Ilan sa mga sikat na personalidad na nakarelasyon ni Bossing Vic Sotto, kilalanin!



Si Vic Sotto ay isa sa mga pinakamahuhusay na komedyante at aktor sa industriya ng show business sa ating bansa. Ngunit lingid sa kaalaman ng nakararami ang nakakamanghang kwento ng kaniyang buhay pag-ibig. Ito ang ilan lamang sa mga sikat na personalidad na nakarelasyon ni Vic Sotto:

CONEY REYES




Si Coney Reyes ay isa lamang sa pinakasikat na leading lady ng kaniyang henerasyon. Talaga namang hinangaan ang tambalan nila ni Vic Sotto. Taong 1990 nang mabunyag ang relasyon nilang dalawa. Mayroon silang anak na lalaki na pinangalanan nilang Vico na sa ngayon ay kumukuha ng kursong Abogasya.

DINA BONEVIE





Ang dating mag-asawa ay biniyayaan ng dalawang anak, sina Danica at Oyo Boy Sotto. Ikinasal sila ng 1982 ngunit makalipas ang sampung taon ay na-annulled ito. Nagtambal sila sa pelikulang “Age Doesn’t Matter”. Taong 1986 nang maghiwalay ang dalawa.



PIA GUANIO



Si Pia Guanio ang co-host ng komedyante sa Eat Bulaga. Marami ang nag-akalang magpapakasal na ang dalawa dahil sa tagal ng kanilang relasyon bilang magnobyo at magnobya. Taong 2010 nang maghiwalay ang dalawa.



KRIS AQUINO




Bagamat walang kumpirmasyon mula sa dalawang kampo, may mga usap-usapan na diumano’y naging magkarelasyon ang dalawa taong 2003 matapos aminin ni Joey Marquez ang palitan ng mensahe ni Vic at Kris. Ayon pa nga sa ilang balita ay ito ang pinagmulan ng pagseselos ni Joey Marquez.

CHRISTINE JACOB


Si Christine Jacob ay isa din sa mga host ng noontime show na Eat Bulaga. Kabilang din siya sa Philippine swimming team na lumahok pa sa Olympics. Hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon at umalis sa paghohost si Christine.

ANGELA LUZ




Si Angela Luz ay kapatid ng beteranang mang-aawit na si Paola Luz. Nagkaroon sila ng anak ni Vic Sotto na si Paulina. Nagkamabutihan ang dalawa nang maghiwalay sina Vic at Coney. Hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon ngunit nanatiling magkaibigan ang dalawa.


PAULEEN LUNA


Isa rin si Pauleen Luna sa mga regular na host ng Eat Bulaga. Bagamat maraming humuhusga tungkol sa agwat ng kanilang edad ay hindi ito naging dahilan upang matuldukan ang kanilang pagmamahalan. Bagkus ay nanatili silang matatag at masaya sa piling ng kaniyang asawang si Vic at anak nila na si Baby Talitha.




error: Content is protected !!