Isang Mangyan na estudyante ang buong pagmamalaking nagsuot ng tradisyonal na bahag sa kaniyang pagtatapos!



Ang “Araw ng Pagtatapos” ang isa sa pinaka-espesyal na araw ng maraming mga mag-aaral. Kadalasang itim na toga ang sinusuot ng mga mag-aaral na magsisipagtapos. Kamakailan lamang ay isang Mangyan na estudyante ang nagsuot ng kanilang tradisyonal na bahag sa kanilang graduation ceremony.


Bahag ang tradisyonal na damit na sinusuot ng mga katutubo sa Pilipinas. Bagamat wala masyadong balat ang naitatago sa ganitong uri ng kasuotan ay buong pagmamalaki naman itong isinusuot ng mga lumad.




Bagamat marami ang humanga sa nasabing Mangyan, marami din naman ang nagtanong kung bakit hindi toga ang kaniyang suot kung toga naman talaga ang hinihingi ng okasyon.

Ang nagbahagi ng larawang ito ay isa ring estudyante na magtatapos noong araw na iyon. Siya ay nakilala sa pangalang Mhiey Vengano. Pareho silang mag-aaral ng Northern Iloilo Polytechnic State College sa Estancia, Iloilo. Bagamat maraming nangungutya sa nasabing Mangyan, marami din naman ang nagtanggol sa kaniya sa social media. Marami ang nagpayo sa kaniyang huwag pansinin ang mga sinasabi ng mga taong nangungutya sa kaniya, dahil sa hindi nila alam kung gaano kahalaha at ka-importante ang tradisyonal na kasuotan ng mga mangyan. Ang pagsusuot nila ng bahag ay pagpapakita lamang ng kanilang pagmamahal sa kanilang lahi.



Marami din naman ang natuwa dahil sa kabila ng posibilidad na siya ay pagtawanan at kutyain ay nagsuot pa rin siya ng kasuotan na kanilang pagkakakilanlan. Ito ang ilan sa komento ng mga netizen:

“Yan ang tunay na Pilipino di ikinahihiya ang lahi na pinagmulan,”


“Congratulations, pero dpat nagsuot ka na din kahit damit po. hehehe,”

“Dapat hindi ganyan ang graduation ayh sagradong event din yan na dapat ang lahat ay pormal at maayos na dumalo . Sana nmn kung totoong graduates yan binigyan na lang ng toga para isuot.”



Tunay ngang hindi mo dapat ikahiya ang iyong pinagmulan, bagkus ay lalo mo pang mahalin at ipagmalaki kung saan ka nagmula.




error: Content is protected !!