Isang nobya ang nagbigay ng hiwatig sa kagustuhan ng Pandora Ring sa kanyang nobyo! Natuwa ng nabilhan nito!



Napaka-sarap magmahal lalong-lalo na kung mahal ka din siyempre ng taong minamahal mo. Ang tamis ng pagmamahalan ay mararamdaman kung ang relasyon ay punong-puno ng kasiyahan, intindihan, at pagbibigayan. Madalas din sa mga may kapareha ang nagpapakita ng kanilang pagmamahal sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga regalo. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay may pera na pambili at hindi sa lahat ng pagkakataon ay naibibigay ang hilig.


Sa isang relasyon kinakailangan na maalala na mabigyan ng pwedeng magpa-saya sa kanyang minamahal. Pero isang mahirap na pagsubok para sa ilan ang pagpili ng magpapasayang regalo sa minamahal. Madalas ay nahihirapan sa pagpili ng regalo dahil natatakot na baka hindi magustuhan. Kaya minsan para mas sigurado ay nagtatanong na lang ng gustong matanggap.




Pero mas mainam pa rin ang surpresa kaysa sa alam na ng tatanggapin dahil kahit anong regalo pa iyan kung galing naman sa puso ito ay siguradong magugustuhan ito. Hindi rin maiiwasan na may hilingin tayo sa ating mga minamahal. At ang iba ay dinadaan ito sa pasaring. Nagbibigay na lamang ng ‘hint’ na ang partikular na bagay ang gustong matanggap.


Katulad na lamang ng isang babaeng ito na binigyan niya ng pahiwatig ang kanyang nobyo na gusto niya ang isang “Pandora” na singsing. Isang estudyanteng kolehiyo sa Minnesota ang nagbahagi sa Facebook patungkol sa pasaring ng kanyang nobya.


Ito ang naging caption ng post:
“When she gives you hints, take them,”


Ang lalaking ito ay si Billy Yang na may nobyang si Jen Vang. Sila ay magkarelasyon mula noong July 2018 pa. Nagsimula ito ng nagpapadala ng mga litrato ang kanyang nobya na nagbibigay ng pasaring sa kagustuhang singsing. Dahil sa background na monitor ay nagpapakita na imahe ng “Pandora Ring”. Dahil nahulaan kagad ni Billy na ang gusto talaga ng nobya ay ang bagay na ito. Pinagbigyan niya ito dahil sa labis na pagmamahal.



Ang post na ito ay sumikat sa social media at umani ng maraming papuri.






error: Content is protected !!