Kambal na Jinkee Pacquiao at Janet Jamora, masasabing magkahalintulad dahil sa pagka-fashionista nila



Kilalang-kilala natin si Jinkee Pacquiao sa pagiging fashionista niya. Malaki rin ang pinagbago ng kanyang itsura simula noong pa-usbong pa lang ang kasikatan ni Manny Pacquiao sa itsura niya ngayon. Siyempre, kinakailangan ng bawat misis na magpaganda para sa kanilang mister upang mas lalo pang mahalin.


Ang natatamasang buhay na ubod ng ginhawa ni Jinkee ngayon ay dahil na rin sa tagumpay na naabot ni Manny Pacquiao. Gayon pa man, ang tagumpay ng mister ay tagumpay din ni misis.




Kaya naman dahil na rin sa kayamanang taglay ng Pamilyang Pacquiao, malayang nabibili ni Jinkee ang mga nagugustuhan niyang mga gamit.


Dahil sa angking kagandahan ni Jinkee at sa husay na rin niya sa pananamit, marami ng umaabang sa kanyang mga social media accounts sa mga bagong mga litrato at fashion na ibabahagi niya.



Pero mayroong iba na hindi alam na may kakambal si Jinkee na ang pangalan ay Janet Jamora.


Ipinanganak ang kambal noong ika-12 ng Enero taong 1979 sa Saint Elizabeth Hospital sa General Santos City. Kung mapapansin ay talagang magkamukha ang dalawa. Kaya naman madalas mapagkamalan si Janet Jamora na si Jinkee dahil mas maraming nakaka-kilala sa asawa ng Pambansang Kamao.



Ayon sa isang interview kay Janet:
“There are times when people do not even believe I’m not Jinkee, I just explain that I am the twin sister,”

Mas matanda si Janet kay Jinkee dahil siya ang unang lumabas noong sila ay pinanganak. Noong bata pa lamang sila ay parehas lagi sila ng suot na damit. Madalas din daw sila magaway dahil sa pag-aagawan ng mga gamit. Pero iba na ngayon, ang dating nagaaway ay sobrang magkasundo.




Madalas na makitang namimili sila Jinkee at Janet ng mga mamahaling mga gamit at masasabing halos parehas sila ng mga nagugustuhang mga gamit. Kaya naman ang mga taga-hanga ni Jinkee sa mga social media accounts niya ay nagiging taga-hanga na rin ni Janet.


Ito pa ang naging dagdag ni Janet sa sinabi niya sa interview:
“I am very proud and happy to be Jinkee’s twin sister,”




error: Content is protected !!