Kilalanin ang mga Pinay na artistang pinagpipilian ng mga netizen ngayon na maging susunod na Darna!



Naging matinding usap-usapan sa social media ngayon ang makabagbag-damdaming pag-amin ni Liza Soberano na tuluyan na niyang binibitawan ang role niya bilang Darna. Talaga namang pinakaaabangan ang pagganap ng Kapamilya actress na ito bilang Darna nang marami niyang mga fans at supporters.


Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nagkaroon ng fractured na daliri si Liza, dahilan upang maantala ang kanilang taping ng nasabing proyekto dahil sa kailangan muna niya itong mapagaling. Hindi rin siya makahawak ng mabuti at nahihirapan din siyang igalaw ang kaniyang daliri kung kaya naman hirap din siyang magampanan ang mga stunts niya sa Darna.



Bagamat nalulungkot, nadidismaya at nanghihinayang si Liza ay buong puso pa rin itong nagpasalamat sa kaniyang mga tagasuporta sa walang sawang pagmamahal sa kaniya. Ayaw man niyang biguin ang mga ito sa kaniyang desisyon na pagbitaw sa proyekto ng Darna ay ito na rin ang pinamabuting desisyon hindi lamang para sa kaniyang kalusugan kung hindi pati na rin sa pagbibigay hustisya sa nasabing karakter.

Ilan sa mga Pinay na napipisil na papalit kay Liza bilang Darna ay sina:


MAJA SALVADOR


Ang dance princess ng ASAP ay talaga namang hinahangaan sa angas at galing nito sa dance floor. Mapapabilib ka din naman sa kaniyang husay sa pag-arte lalo na ang kaniyang pagganap bilang “Lily Cruz” at “Ivy Aguas” sa Wild Flower.


ANGEL LOCSIN


Marami din naman ang nagnanais na muling makita si Angel Locsin bilang Darna. Bagamat nagpahayag na agad ng hindi pagsang-ayon ang batikang aktres, patuloy pa rin siya diumanong umaasang si Liza ang magiging susunod na Darna sa kabila ng pinagdadaanan nito ngayon.



JESSY MENDIOLA


Marami din namang mga tagahanga at tagasuporta ang aktres na si Jessy Mendiola. Mayroon pa ngang gumuhit ng kaniyang larawan bilang Darna.

PIA WURTZBACH


Marami din namang mga netizen ang hindi magkamayaw sa pagsuporta sa Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach na maging susunod na Darna. Sa kaniyang kutis, angking kagandahan, at tangkad ay tiyak na pasok na pasok siya sa role na ito.



NADINE LUSTRE


Hindi rin naman magpapatalo ang mga tagahanga at tagasuporta ng JaDine dahil sa nais din nilang maging Darna si Nadine Lustre dahil sa angkin nitong ganda na talaga namang Pinay na Pinay.




error: Content is protected !!