Isang graduation ceremony sa mall ang sikat ngayon dahil imbis na maglakad ay naka-escalator sila



Pangarap ng mga estudyante ang makapag-tapos ng pag-aaral. Isa rin itong pangarap at tagumpay ng mga magulang sa kanilang paghihirap at sakripisyo. Kaya tuwing sasapit ang graduation ng kanilang mga anak ay talagang pinaghahandaan nila ito at pinagdidiwang.


Isang maaalalang pangyayari ang pagtatapos ng pagaaral o graduation. Kaya nga tuwing sasapit ang kaganapang ito ay nagpapakuha ng mga litrato ang mga graduates kasama ang kanilang mga magulang upang maalala ang pangyayaring iyon.




May isang graduation ceremony ang siguradong hinding-hindi makakalimutan ng mga batang graduates at mga magulang nila. Dahil bukod sa mall ginanap, ang prosisyon ng graduation ay sa escalator. Nakaka-tuwang pagmasdan ang pangyayaring ito na nasaksihan ng maraming netizens sa social media. Ang eskwelahan na nagdaos ng graduation sa Robinsons Mall sa Naga ay ang Naga Central School 1.


Isang netizen ang nagtweet patungkol sa pangyayaring ito na ikinatuwa ng maraming tao. Ang netizen na ito ay si Carlo @serjcnaval. Ito naman ay sumikat din sa Facebook sa upload na video ng nagngangalan sa Facebook na Mheck Callo


Ito ang naging caption niya sa kanyang post:
“HOY!!! IBA YUNG PROCESSIONAL! NAKA ESCALATOR!!!!! WAHAHAHAHAHAH
Credits to the owner”

Nauuso na ngayon ang graduation sa mga malls. Tunay na maraming pabor para sa mga tao ang idaos ang graduation sa mall dahil bukod sa malamig ay malapit na rin ang mga kainan upang dausan ng celebrasyon. Mainam din ang lugar dahil marami ng masasakyan pauwi at marami ring parking lot para sa may mga sasakyan.


Ang naturang video ay naging viral at ikinatuwa ng maraming netizens. Ilang sa mga komento nila ay ito:

“Imagine kung ilang beses silang sumakay diyan nung practice nila, pati marcha sa graduation hitech narin”



“super memorable naman na graduation niyan. Like sa tuwing pupunta ka ng mall at gagamit ng escalator e bumabalik yung graduation feeling”

“Uso kasi na yan ngayon. Some malls offer their activity area to schools for free like in this season of graduations.”

HOY!!! IBA YUNG PROCESSIONAL! NAKA ESCALATOR!!!!! WAHAHAHAHAHAHCredits to the owner?

Posted by Mheck Callo on Monday, April 1, 2019




error: Content is protected !!