Isang Security Guard ang nakitang nagmalasakit sa isang batang kalye



Tunay na mapalad ang mga taong nakaka-kain ng tatlong beses sa isang araw, nakaka-tulog sa malambot na kama, nakaka-suot ng maayos na damit, nakakapag-aral, at mayroong masasabing tahanan na pwedeng uwian.


Kaya para sa mga taong pinagkaitan ng ka-swertehan sa buhay, sila ang mga taong makikita natin sa lansangan na nanghihingi ng limos upang makakain sa araw-araw, sila din ang mga taong madalas nating nakikitang sa karton natutulog o sa mga tulay. Nakaka-lungkot mang isipin pero ito ang realidad ng buhay. Mayroong mayaman at mayroong ding mahirap.



Totoong napakahirap para sa mga kapos-palad ang itawid ang kanilang pangaraw-araw na buhay. Gayon pa man, marami pa ring tao na handang tumulong at i-abot ang mga kamay sa mga nangangailangan. Katulad na lamang ng isang mabait na security guard na isang ihemplo ng taong mayroong pagmamalasakit sa kanyang kapwa.

Isang Security Guard ang nakuhanan ng litrato sa pagtulong niya sa isang batang nakatulog sa kalsada. Ang pangyayaring ito ay lubos na pinuri sa social media.


Inupload ng isang netizen, na may pangalan sa social media na Khim Salamat Banaag, an mga litrato ay patungkol kay manong guard na tumulong sa isang batang nakatulog sa kalsada. Naganap ang pangyayaring ito noong 11:00 ng gabi nang nasa McDonalds Paombong sila. Nasaksihan ni Khim ang malasakit ng security guard sa isang batang kalye na nakatulog habang naka-sandal sa traffic cone, sa may parking lot ng kainan. Habang umoorder ang kasama ni Khim minabuti niyang kuhanan ang nakaka-bilib na pangyayaring ito.

Nasaksihan ni Khim ang paglatag ng karton upang ito ang maging higaan ng batang nakatulog. Binuhat ni manong guard ang bata at inihiga sa nilatag na karton.


Nakilala ang security guard na ito sa pangalan na Joselito Cunanan. Sa kanyang post ay pinuri niya ang kabaitan ng lalaking ito na handang tumulong sa mga nangangailangan.


Saludo kami sayo Kuya Joselito!






error: Content is protected !!