Ito ang 11 na pinaka-mahal na pagkain sa buong mundo



Minsan ay napapag-usapan at napapag-kwentuhan natin ang mga pagkain na masasarap. Minsan pa nga ay niyayabang natin ang mga nakain na sobrang mahal, sobrang kakaiba, o kaya naman ay sobrang sarap. Pero madalas ay ang mga pagkain na pinagmamalaki sa usapan ay ang mga pagkaing napaka-mahal.

Kaya naman kung gusto niyong malaman ang ilan sa mga pagkain na ubod ng mahal. Ito ang 11 na pinaka-mahal na pagkain sa buong mundo:



11. Matsutake Mushrooms


Ang mushroom na ito ay karaniwang matatagpuan sa Japan. Sa sobrang hirap hanapin ang Matsutake Mushroom umabot na ang presyo nito sa $600 o Php 31,142.26 per kilo.


10. Kopi Luwak Coffee


Mahilig ka bang mag-kape? Dahil ito na ang pinaka-mahal na kape na matatagpuan sa bansang India. Ang Kopi Luwak ay nagkaka-halagang $250 (Php 12,978.56) hanggang $1, 200 (Php 62,302.23) per kilo. Ang kapeng ito ay sobrang kakaiba dahil sa paraan ng paggawa nito.


9. White Pearl Albino Caviar


Isang malaking isda ang albino sturgeon na naninirahan sa Caspian Sea. Ang isang kilong Caviar nito ay nagkakahalagang $9,100 o Php 472,421.52. Dahil sobrang bihira lamang makita ang mga itlog ng mga albino sturgeon kaya naman ito ay sobrang mahal.



8. Swallows’ Nest Soup


Ang pagkaing ito ay para sa lahat ng mahilig mag-sabaw. Isa na ito sa pinaka-mahal dahil sa paraan ng pagkuha ng sangkap. Ang pangunahing sangkap sa sabaw ay ang pugad na nilawayan ng mga ibon. Ang pagkaing ito ay lutuin ng mga intsik sa paggamit ng mga pugad ng mga Swallows. Karaniwan ay matatagpuan ang mga pugad sa mga matataas na bangin kaya napaka-delikado ang pagkuha. Tumatayang $3,000 o Php 155,770.67 ang isang kilo.

7. Saffron


Ang pampalasa sa pagkain na Saffron ang isa sa pinaka-mahal. Dahil pitong araw lang sa isang taon tuwing taglagas tumutubo ang mga bulaklak nito. Sa paggamit ng kamay sa pagkuha, kinakailangan ng 300,000 na bulaklak upang maka-kolekta ng isang kilong Saffron na nagkakahalaga ng $400 hanggang $1000 per kilo.



6. White Truffles


Sa Europe, isa ito sa pinaka-mahal dahil sa sobrang hirap at mabusising paggawa. Tumatayang $2,100 ang isang kilo nito dahil na din sa lasa at aroma.

5. Ayam Cemani Black Chicken


Sikat ang itim na manok na ito sa bansang Indonesia. Ang isang manok ay nagkakahalagang $200 o Php 10,382.75 at hindi ine-export sa ibang bansa dahil sa takot sa Bird Flu.

4. Japanese Wagyu Steaks


Isa ito sa pinaka-masarap na Steaks sa buong mundo at ang bansang Japan ang gumagawa. Ang purebred Wagyu bull-calves ay talaga namang inaalagaan, hinihilot, pinapainom ng beer, at pinatutugtugan pa ng mga classical na music. Ang karne nito ay talaga namang mabango at malinamnam. Ang isang kilo nito ay aabot sa $450 (Php23,360.52) o mas higit pa.

3. Dry-Cured Iberian Ham


Ang Jamón Ibérico ay nanggaling sa bansang Spain na masasabing isa sa pinaka-mahal na ham sa buong mundo dahil na rin sa paraan o preseso ng paggawa. Nagkakahalagang $392 (Php 20,348.89) ang isang kilo.

2. Moose Cheese


Matatagpuan lamang ang mamahaling keso na Moose Cheese sa isang farm sa Sweden. Ito ay ang Moose House farm na ang sangkap na ginagamit ay Moose Milk. Nagkakahalagang $1,074 (Php 55,751.43) ang isang kilo.

1. Banana


Teka? Saging talaga? Abot kaya yan bilhin sa palengke! Pero hindi ito iyong normal na saging na makikita mo. Ang saging na ito nilalagyan ng disenyo ng isang artist na nagngangalang
Stephan Brusche. Matutuwa kang kainin ito dahil sa magagandang itsura na inukit at ginuhit ng artist na ito na naging full time banana artist.




error: Content is protected !!