Matapos maging matagumpay na make-up artist ang 12 taong gulang na bata na ito ay binilhan at niregaluhan nito ang sarili ng isang BMW!



Ilan kaya sa atin ngayon ang mayroong kakayahang makabili ng BMW Sedan? Aminin man natin o hindi, mahirap para sa atin ang makabili ng mamahaling sasakyan lalo na kung tayo ay isang empleyado o manggagawa lamang. Sa hirap ng panahon ngayon at sa mahal ng bilihin ay nagkakasya lamang ang ating kinikita sa pang-araw-araw nating gastos at pagkain.


Ngunit ang 12 taong gulang na bata na ito mul sa Thailand ay nakabili na nang sarili niyang mamahaling sasakyan kahit pa nga di pa siya marunong magmaneho nito. Pitong taon gulang pa lamang si Natthanan ay kumuha na siya ng professional make-up na kurso nang matuklasan niya ang kaniyang hilig sa larangang ito. Naging viral nga siya at naging usap-usapan dahil sa kaniyang edad ay isa na siyang mahusay na make-up artist. Taong 2018 nga nang naitampok siya sa BBC.




Mas lalo pa siyang hinangaan nang siya ay mapili bilang isa sa mga make-up artist ng London Fashion Week 2018. Sa kasalukuyan ay mayroon na siyang higit sa 800,000 na tagasubaybay sa social media at siya ay isa sa pinakabatang make-up artist na nakalahok sa London Fashion Week 2018.


At ngayong taon nga ay magdiriwang siya ng ika-12 taong kaarawan niya kung kaya naman napagdesiyunan niyang bilhan ang sarili ng isang BMW Sedan. Ito ang kaniyang post sa kaniyang social media account: “Happy birthday to me. I will be 12 years old this year. I am very grateful for everything I have so far and I’m thankful to my fans for supporting me. Thanks for all the well wishes, I wish everyone the same as well!’



Maraming mga netizen ang humanga sa bata na ito habang ang ilan ay nagbahagi ng kani-kanilang karanasan noong sila ay 12 taong gulang pa lamang. Ang ilan naman ay nagbahagi na hindi nila kaya ang makapagpundar ng ganoong uri ng sasakyan kahit pa nga sila ngayon ay nasa dalawampung taong gulang na at higit pa.




error: Content is protected !!