Dahil lamang sa 700 piso na utang ng kaniyang ina, isang anak aksidenteng nabuhusan ng kumukulong tubig ng isang babae!



Hindi mapigilan ang matinding galit ng nanay na ito nang aksidenteng mabuhusan ng isang babae na kaniyang pinagkakautangan ng kumukulong tubig ang kaniyang anak! Dahil lamang sa 700 piso ay sinapit ng kawawang bata ang pangyayari na ito.


Ngunit maraming mga netizens ang naniniwala na hindi ito aksidente kundi sinadya mismo ng babae na pinagkakautangan ng ina ng bata. Ibinahagi sa social media ni Marites Paz Caldo ang larawan ng kaniyang anak na nalapnos ang kaliwang hita dahil sa kumukulong tubig.



Hindi na niya pinangalanan pa ang babae na may kagagawan nito at hindi rin naman niya ito pinagbibintangan na sinadya ang naging pangyayari. Ngunit talagang hindi niya matanggap ang nangyari sa kaniyang kawawang anak.

Ayon pa sa naging pahayag ni Marites ay dumaraan lamang ang kaniyang anak sa bahay ng naturang babae na kaniyang pinagkakautangan ng bigla na lamang itong maghagis ng kumukulong tubig sa kalsada sa di niya malamang dahilan. Ayon sa naturang babae ay nakaramdam na lamang siya ng pagnanais na maghagis ng kumukulong tubig sa daan ng mga oras na iyon.


Talaga namang umantig sa puso ng publiko ang nangyari sa kawawang bata na nadamay pa sa naging hindi pagkakaunawaan ng kaniyang ina at ng isa pang ginang nang dahil lamang sa 700 piso! Talaga namang umani ng maraming mga komento at reaksyon mula sa mga netizens ang naturang post.


Marami sa kanila ang nagsasabing dapat ay magkaroon ng katarungan ang nangyari sa kawawang bata. Hindi dapat makaligtas o kunsintihin ang babaeng naging dahilan upang mapahamak ang isang inosenteng tao lalo na at isa pa itong menor de edad.


Dagdag pa ni Marites, kung mayroon lamang siyang pera ay binayaran na niya sana ang babae na ito ngunit talaga wala lang siyang pera ng mga panahon na iyon. Ngunit hindi naman yata dahilan ang 700 piso na utang upang mapahamak ang isang inosente at walang kamuang-muang na bata!




error: Content is protected !!