Nag-viral ang estudyante na ito matapos niyang i-edit ang larawan ng kanilang klase sa mga drawing na lakad nila!



Panahon na naman ng pagtatapos, nakakatuwang malaman na sa kabila ng ilang taon na pagsusumikap mo sa pag-aaral ay tutungtong ka na ng isang hakbang pa patungo sa iyong mga pangarap. Ngunit kaakibat din naman ng mga pagtatapos na ito ay ang isang pamamaalam para sa mga guro, kamag-aral at mga kaibigan na naging malaking bahagi na ng ating pagkatao.



Kung kaya naman sa paghihiwalay na ito ay marami din ang nagbabalak na magkaroon ng mga outing at mga lakad para sa kanilang pagdiriwang, pagbobonding at muling pagsasama-sama. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang ginawang pag-eedit ng estudyanteng ito sa larawan ng kanilang klase. Siya ay si Angelo Saniano ng Multi Integrated School mula sa Calamba, Laguna.


Dahil sa hindi matuloy-tuloy nilang mga lakad ay naisipan niyang gawan na lamang ng larawan ang kanilang buong klase na pumunta sa isang sikat na amusement park, nakasakay sa isang ride, namasyal sa Vigan, nagtungo sa Boracay at pumunta sa Hong Kong Disneyland. Sa kasalukuyan ay mayroon nang 15,000 likes, 25,000 shares at humigit kumulang sa 3,000 ang post ng estudyante. Marami ang namangha at natuwa sa ginawa nang batang ito. Nais lamang daw niya na magkaroon ng alaala ang kaniyang mga kaklase sa mga lugar na dapat sana ay pupuntahan nila.


Ang ilan pa ngang mga netizen ay tila naka-relate sa estudyanteng ito na ang nais lamang ay magkasama-sama sila ng kaniyang mga kaklase. Sa ngayon nga ay nagpaplano na silang muli ng kanilang lakad upang magkaroon na sila ng alaala na kanilang madadala lumipas man ang panahon at maging sa kanilang pagtanda.



Tiyak na mas marami pang mga Pilipino ang makaka-relate sa mga larawang ito na mula sa malikhaing isip ng estudyanteng ito. Kung kaya naman, kung mayroon man kayong plano sa hinaharap kasama ang inyong barkada o kaya naman ay iyong pamilya, sikapin ninyong matutuloy ito upang hindi naman malungkot ay madismaya ang inyong mga mahal sa buhay.




error: Content is protected !!