Kilalanin ang Pilotong si Chezka na nagbigay inspirasyon sa maraming tao sa pag-abot ng kanilang mga pangarap!

Si Chezka Gonzales-Garrido ay isang babaeng piloto mula sa Pilipinas. Isa siyang inspirasyon sa marami pang mga babaeng nais maging piloto balang araw sa ating bansa.


Ang 30-taong gulang na si Chezka ay nakapagtapos ng Bachelor of Science in Nursing sa Far Eastern University. Ngunit katulad din nang ibang mga Pilipino, matagal na niyang pangarap maging isang piloto balang araw kung kaya naman nagdesisyon siyang maisakatuparan ito kahit pa siya ay isa nang ina.


Anim na taon siyang nagsanay bilang isang “flight attendant” ngunit hindi niya binalewala at kinalimutan ang kaniyang pangarap na makapagpalipad ng Airbus 320. Namangha ang marami sa ibinahagi niyang kwento sa kaniyang social media account. Kasabay nito ang dalawang larawan ni Chezka noong 2013 at ngayong 2019. Ang una niyang larawan ay noong siya ay isang “flight attendant” at ang larawan niyang yaon ang naging inspirasyon niya upang maabot ang kaniyang pangarap na maging piloto balang araw.

Ang ikalawa naman niyang larawan ay punong-puno ng kaligayahan kung saan sya ay isa nang ganap na piloto na maaari nang magpalipad ng mga pribadong eroplano. Tunay siyang isang inspirasyon sa marami pa nating kababayan na hindi napapagod magpursiging abutin ang kanilang mga pangarap.


Labis siyang hinangaan ng publiko dahil sa siya ay nagwagi rin ng prestihiyosong parangal nang siya ay maging awardee ng “Istorya ng Pag-asa” na inorganisa ng Office of the Vice President of the Philippines at ng Far Eastern University.


Ito ang kaniyang paalala sa marami pang mga Pilipinong nangangarap na makamit ang kanilang mga pangarap:


“For the aspiring pilots out there, strike whilst the iron is hot! Let your passion roar like the engines of an airplane. Turn your energy into productivity and the reward would be all worth it. I’m telling you, it only gets better and the learning process is fun so do not falter, keep your head up and keep inspired!!”



Reply

error: Content is protected !!