Isang Pinay ang pinarangalan sa Hongkong bilang ‘Best New Performer’ sa pelikulang “Still Human”

Isang Pinay na Aktres sa Hongkong ay nagkaroon ng karangalan sa pagganap niya sa isang pelikula. Siya si Crisel Consuji na nakatira sa Hongkong ay gumanap sa pelikulang “Still Human” Ang kanyang pangalan ay naging kilala dahil nakatanggap siya ng award bilang Best New Performer Award ng 38th Hong Kong Film Awards (HKFA). Ginanap awarding sa Hong Kong Cultural Centre noong April 14. Sa pelikulang “Still Human” siya ay isang Pinay na nars at naging caregiver na ang trabaho niya ay alagaan ang isang may kapansanan na foreigner.


Ang kwento ng pelikulang ito ay umiikot sa isang taga-hongkong na lalaki na nakipag-divorce at sa hindi inaasahang pagkakataon naging paralisado ang katawan. Ito ay mula dibdib hanggang paa. Nagagalaw naman ng lalaking ito ang mga kamay pero hindi na nababaluktot. Ang lalaking ito ay ginampanan ni Anthony Wong. Ipinakita din sa pelikulang ito ang pakikisama at sakripisyong ginagawa ng isang OFW na katulad ng ginampanan ni Crisel.

Sa pagtanggap ng kanyang karangalan ay ibinahagi at pinasalamatan niya ang mga tumulong sa kanya.

Ito ang sinabi ni Crisel:

“It seems to tell the world that, in Hong Kong, when we celebrate our diversity, we move forward together. Siu-kuen, thank you so much. You are a brilliant woman, and a voice of women empowerment, and I hope little girls grow up to be like you. Thank you, Golden Scene, ‘Still Human’ and to the HK Film Awards. Thank you to my husband, too.”

Pinasalamatan niya din ang ibang tao na nagbahagi ng mga kwento patungkol sa pagiging isang OFW.

Ayon kay Crisel:

“Thank you to all the women who bravely shared with me their stories. Kayo ay mga bagong bayani. You are modern heroes,”

Sa pelikulang ito ay masasalamin ang mga kinakaharap na pagsubok ng iba nating kababayan sa ibang bansa. Nakakatuwang isipin na isa sa ating kabayan ang napiling gumanap sa makabuluhang pelikulang katulad nito.



Reply

error: Content is protected !!