Si Jeyrick Sigmaton na mas kilalang ‘Carrot Man’ ay kabilang sa boyband na FAB4Z



Naalala niyo pa ba si ‘Carrot Man’? Ang lalaking nag-viral dahil sa kanyang gwapong mukha? Ang kanyang kasikatan ay muling umaakyat dahil isa na siyang miyembro ng isang pinoy boyband.



Nakilala si Jeyrick Sigmaton na mas kilala sa pangalan na ‘Carrot Man’ ng makunahan siya ng litrato noong siya ay nagbubuhat ng mga carrots sa Mountain Province. Dahil sa taglay niyang gwapong itsura, nagviral ang naturang post na naging daan upang tawagin siyang ‘Carrot Man’.


Ito ang naging panimula ng pagbago ng kanyang buhay. Mula sa pagiging simpleng tao ay isa na ngayon siyang modelo at kamakailan lang ay napabilang siya sa isang pinoy boyband. Sa palabas na Wowowin sa kapuso network, napasali ang grupo ni Jeyrick na pangalan ay FAB4Z. Ang mga miyembro ng grupo ay sina Jeyrick Sigmaton, Jeffer Kim, Patrick Villanueva, at Yuan Quiblat. Sila ay nagmula sa magkakaibang rehiyon ng bansa.


Maalalang pinangakuan ng scholarship ni Willie Revillame si Jeyrick noong 2016 na naging dahilan pa ng pagusbong ng kanyang kasikatan. Si Yuan Quiblat ang naging dahilan kung bakit nabuo ang FAB4Z. Pasasalamat niya rin ito kay Jeyrick dahil kilala na siya ng maraming tao. Ibinahagi rin ng grupo ang kanilang naging concert sa hongkong at nagbigay pasasalamat sa mga taong sumuporta sa kanila.



Karaniwan sa mga kanta ng grupo ay mga tinagalog na kanta ng grupong F4. Kaya naman parang tinatawag na rin silang ‘Pinoy F4’ Kahit na tanyag na si Jeyrick, binanggit niya rin sa programa na tumutulong pa rin siya sa mga pananim. Sa katunayan ay nakaraang dalawang buwan ay ginawa niya ito.

Sa palabas ay kasama ng grupo ang pinsan ni Jeyrick na babae. Nagbigay mensahe ito sa pinsan na tinatawag niyang “bro” sa pasasalamat dahil kahit sikat na siya ay hindi pa rin siya nakakalimot sa pagiging Igorot.

Mabuhay ka Jeyrick!






error: Content is protected !!