Ang pagkakaroon ng sariling kotse ay malaking tulong para sa maraming mga tao, manlalakbay man yan, empleyado o maging isang simpleng tao ka man. Ngunit kung sa isang barkadahan ay ikaw lang ang may kotse, paniguradong ikaw at ikaw lang din ang susundo sa iyong mga kaibigan, hindi ba?
Tiyak na ikagugulat at kaiinggitan ninyo ang isang lalaki na ito, na binilhan ng kaniyang mga kaibigan ng isang kotse dahil sa pagod na silang sunduin ito palagi. Ngayong mayroon na siyang sariling kotse ay makakapunta na siya saan man niya gustong pumunta.
Ayon sa viral post na ito sa social media, maaaring napagod na talaga ang kaniyang mga kaibigan sa pagsundo sa kaniya ngunit ang nakakatuwa rito ay talaga namang ikinabigla ito ng kaibigan nila na nakatanggap ng bagong sasakyan.
Umani naman ito ng maraming mga positibong komento sa social media at ang ilan pa nga ay nagnanais na magkaroon din ng mga ganitong kaibigan. Ang iba naman ay nagsasabing maaaring dahilan lamang ng mga kaibigan niya na napapagod na sila sa pagsundo sa mahal nilang kaibigan ngunit ang totoo ay nais lamang nila na mabigyan ng espesyal na regalo ang kanilang kaibigan na hindi nito lubos na inaasahan.
Nakakatuwang isipin na mayroon pa rin talagang mga tao o mga kaibigan na nagpapakita ng tunay na malasakit sa kanilang mga minamahal na kaibigan at ninanais na magkaroon ito ng isang bagay na tiyak nilang makakatulong sa kaniya lalo na sa pang-araw-araw niyang gawain. Tiyak na mas pagpapalain pa ang mga taong ito dahil sa hindi sila nagdadalawang-isip na tumulong at magpakita ng kanilang pagmamahal at pagmamalasakit sa kanilang kapwa lalo na sa kanilang mga kaibigan na naging malapit sa kanila sa hirap man o sa ginhawa.
Pagpapala rin namang maituturing ang mga kaibigan na katula nila sa ating buhay. Sila ang ilan sa mga yaman natin dito sa lupa na kailanman ay hindi matutumbasan ng pera o anumang materyal na mga bagay.
These guys bought their friend a car cause they are tired of picking him up😂😂❤️ such brotherhood ❤️❤️❤️God bless this friendship 💞🙏 pic.twitter.com/Csm8XMirJi
— Lagom🖤 (@Asanda_Goduka) April 14, 2019