Mahabang biyahe gamit lamang ang maliit na motorsiklo umani ng maraming reaksyon at komento mula sa publiko!



Bakasyon na naman, kung kaya naman kabi-kabila na naman ang mga pasyalan, bakasyon at biyahe ng marami nating mga kababayan. Sino ba naman ang aayaw sa kasiyahang dulot ng pagbiyahe?



Nakakawala ng stress sabi nga ng iba, kasabay pa ng maraming mga bagay na maaari mong matutunan sa iyong paglalakbay. Kadalasang inihahanda natin at iginagayak ang pinakamahuhusay nating mga damit, gamit, sasakyan at mga pagkain.


Ngunit aakalain niyo bang gamit lamang ang tila maliliit nilang mga motor, pocketbike o minibike kung tawagin ng marami ay nakarating ang barkadahang ito mula Maynila patungo sa probinsya ng Quezon, at pabalik?


Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang magbabarkadang ito, naging viral ang post ni MJ Asuncion sa social media patungkol sa kakaibang paglalakbay ng kanilang grupo gamit lamang ang 49cc na pocketbike. Ayon sa nasabing post, labis ang kanilang pasasalamat sa mga nagbigay suporta sa kanilang grupo, sa lahat ng mga rider’s club na nagbigay sa kanila ng ilaw sa madilim na kalsada at sa kaniyang mga nakasama sa kakaiba nilang paglalakbay. Ang kanilang grupo at tinawag nilang Pocketbike Riders Philippines.



Sa kasalukuyan ay mayroon nang higit sa 10,500 libo na reaksyon ang nasabing post, at higit sa 6,059 na mga share. Umani din naman ito ng maraming mga positibong komento sa mga netizen. Ang ibang mga netizen ay hindi makapaniwalang naging matagumpay ang kanilang paglalakbay.



Habang ang iba naman ay natutuwang malaman ang naging resulta ng paglalakbay ng barkadahang ito. Makikita pa nga sa kanilang mga larawan ang ilan sa mga pagsubok na kanilang pinagdaanan, magmula sa pagtulog nila sa mga ginawa nilang tent, sa kanilang mga motorsiklo na aakalain mong mga laruan dahil sa liit at kitid ng mga ito.

Sino nga naman ang mag-aakala na hindi mo na kakailanganin pa ng mga magagarang kotse o mamahaling motor para lamang makapamasyal kasama ang iyong mga mahal na kaibigan?!