Umani ng maraming reaksyon at komento ang pamilyang ito na ginawang instant swimming pool ang isang malaking truck!



Sadyang napakainit na naman nga ng panahon at bawat pamilyang Pilipino ay kani-kaniya na namang pamamaraan kung paano mapapawi ang sobrang init na pakiramdam ngayong tag-init. Tulad na lamang ng ginawang ito ng isang pamilya mula sa Barangay Sta. Rosa, Bangued, Abra na talaga namang hinangaan ng maraming netizen sa social media.



Sino ba namang mag-aakala na ang isang malaking truck ay magagawa nilang isang instant swimming pool na makapapawi sa init na nadarama ng marami.


Si Mark Jhun Bautista ang netizen na nagbahagi ng nakakatuwang post nilang mag-anak na nagsasaya at nagtatampisaw sa swimming pool na kanilang ginawa mula sa isang delivery truck. Isang makapal na trapal ang ginamit ni Mark sa kanilang Isuzu 10pd truck upang tuluyan itong mapuno at hindi tumapon ang tubig palabas.



Ito ang naging pahayag ni Mark nang kapanayamin sila ng Philippine Star:
“Habang nagla-lunch po kami, naisipan naming ilatag yung tolda ng isang truck na bakante at i-convert into pool kasi init na init ang lahat.”


Makikita sa mga larawan na kahit hindi pa lubusang napupuno ang kanilang improvised swimming pool ay nagsiakyat na ang kaniyang pamilya at nagsimula nang magtampisaw sa tubig. Ayon pa sa kaniya, inabot ng dalawang oras ang ginugol nila upang mapuno ang nasabing truck ng tubig. Labis itong kinatuwaan ng marami sa social media kung kaya naman hindi na nakapagtataka na magkaroon ito ng higit sa 13,000 na reactions at 48,000 na comments mula sa mga netizen. Pagmamay-ari nila ang truck dahil sa kanilang trucking business at motor parts business.



Talaga namang hinangaan ng marami ang nakakatuwang naisip ng pamilya Bautista upang mapawi ang init na nadarama nila sa panahon ng tag-init. Lalo na dahil sa siksikan ang maraming mga resort at mga swimming pool ngayon, mas mainam talaga kung magkakaroon na lamang tayo ng sarili nating mga pamamaraan sa ating tahanan kung paano makakaraos sa isang araw ng tag-init at isa itong ideya para mapawi ang init ngayong tag-init.



Posted by Mark Jhun Bautista on Friday, April 19, 2019




error: Content is protected !!