Pagkatapos mamili ni Loisa Andalio sa Divisoria, siya ay nagpanggap na tindera



Matapos ang isang buwan na pagkalat ng video ni Loisa Andalio ay makikita sa kanyang social media account na nagbalik na ang pagiging masayahin at pagiging makulit niya.



Sa isang video ay namataan si Loisa na namimili sa Divisoria na nakasuot lamang ng pambahay. Walang kasama si Loisa na body guard at ang tanging kasama ay isang kaibigan. Mas mainam na rin ito, dahil kung may body guard si Loisa ay malamang dinumog at pagkaguluhan na siya ng mga tao.


Makikita sa video na namimili siya sa mga bangketa ng divisoria na suot ay kulay asul na damit. Hindi makikitaan ng kaartehan ang dalaga at makikitang masayang namimili. Pagkatapos niyang mamili ay napagka-tuwaan niyang magpanggap na tindera ng isang prutas. Siya pa nga ang nagpre-presyo ng mga prutas sa bumibili. Mapapansin ang pagiging natural niya sa pagtitinda ng may gustong tumawad sa prutas na gustong bilhin. Nakakatuwang pagmasdan ang kanyang pag kukunwaring tindera habang siya ay nag-papaypay.


Nakakatuwa ring pagmasdan ang pagiging natural niya at walang kaarte-arte sa katawan. Makikitang nanumbalik na ang dating Loisa Andalio na masayahin sa kabila ng kontrobersiyang kumalat patungkol sa kanya.



Nang matapos niyang mamili sa Divisoria, siya naman ay nakipag bonding sa mga pili at pinagkaka-tiwalaan niyang mga kaibigan. Bagamat hindi niya itinanggi at hindi niya rin inamin ang patungkol sa kumalat na video, makikita sa kanya ngayon na lumipas na ang problemang ito sa kanya.

Patuloy naman ang suportang ibinibigay sa kanya ng mga nagmamahal sa kanya katulad ng kanyang pamilya at ang boyfriend na si Ronnie Alonte. Ito marahil ang naging dahilan ng panunumbalik ng mga ngiti sa mata ni Loisa.

Ito ang magbibigay aral na ang problema ay ginagawan ng paraan upang maayos. Hindi habang buhay ay kailangan maglugmok at malungkot kung sakaling may mga unos na darating sa buhay. Ipagpatuloy ang buhay at maging masaya.






error: Content is protected !!