Isang mister na buong pusong ipinagkakatiwala ang kaniyang buong sweldo sa kaniyang misis umani ng maraming komento at reaksyon mula sa publiko!



Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang ibinahaging post ng netizen na si Kevz Ching na hindi nagdalawang isip na ibigay ang lahat ng kaniyang sweldo sa kaniyang misis na si Bhey Nerviol Viduya. Ayon sa mister, sa anim na taon di umano niyang nagtatrabaho ay tanging misis lamang niya ang nakakahawak ng kaniyang ATM card. Ang rason niya? Simple lang, mas mahusay at mas magaling magbudget ang mga kababaihan kaysa sa mga kalalakihan.


Dagdag pa ni Kevz mayroong mga taong humuhusga sa kaniya na “under the saya” o di kaya naman ay natatakot sa kaniyang asawa ngunit mariin niyang ipinaliwanag na nakikita niya ang ginagawang pagbabudget ng kaniyang misis sa kaniyang sweldo hanggang sa susunod niyang sahod at talaga namang humahanga siya rito. Talaga namang pinuri ng mister ang galing at husay ni misis sa pagbabudget. Ayon din sa kaniya, aakalain mong madali lang ang ginagawa ng mga ilaw ng tahanan na pagbabudget, hindi lamang siya puro gastos bagkus ay nag-iimpok din siya ng pera para sa kanilang mag-anak. Sadyang napakaraming mga bayarin at mga nagmamahalang presyo ng mga pangunahing bilihin kung kaya naman talagang ikagugulat mo ang kakayahang magbudget ng mga ina.




Inamin din naman ng mister na minsan ay naitatanong niya sa sarili na medyo tila wala na siyang naititira sa kaniyang pangsariling pangangailangan ngunit bandang huli ay matutuwa na lamang siyang malaman na nagagawa niyang magsustento at sumuporta sa pangangailangan ng kaniyang pamilya.

Ito ang ilan sa bahagi ng kaniyang post:
“Minsan ko na din naisip na trabaho ako nang trabaho pero parang walang napupunta sa akin. Pero hindi pala sa akin yun. Sa AMIN ‘yun, masaya ako dahil nagagawa ko iyong part ko na maging provider para sa mga needs namin at minsan yung wants namin. Hehe.”



Pinayuhan din niya ang tulad niyang mga mister na humanap ng kapareha o misis na may kakayahan at tamang kaalaman sa pagbabudget ng pera dahil kaunti man o malaki ang iyong sinasahod kung waldas naman si misis at hindi marunong magbudget ay mababalewala din ang lahat.




error: Content is protected !!