Naging usap-usapan sa publiko ang shoe store na ito na tila binagyo na ang itsura matapos nitong mag-sale at dagsain ng mga customer!



Ang pamimili ay talaga namang kasiya-siya lalo na kung naka-sale at malaki ang magiging diskwento mo sa gagawin mong pamimili. Talaga namang nakakapanabik ang ganitong mga pangyayari sa ilang mall o maging sa ilang lugar na nagdaraos ng kanilang malakihang sale o discount.



Tiyak na dadagsain ito ng maraming mga tao dahil sa pagnanais nilang makapamili ng mga bago at murang gamit para sa kanilang sarili at mga mahal sa buhay.


Sa kasamaang-palad dahil din sa sobrang pananabik ay nagiging malala ang mga inaasal o inaasta ng ilan nating mga kababayan. Tulad na lamang sa naging viral post na ito na naging usap-usapan sa social media dahil sa tila binagyo at nadaanan ng delubyo ang isang shoe store na ito sa Pilipinas.



Isang concerned netizen na nagngangalang Josette Rafaeles ang nagbahagi ng mga larawang ito sa social media upang makita at masaksihan ng marami ang naging pangyayari sa sale ng isang shoe store. Bagamat hindi na niya pinangalanan kung saan ang lokasyon ng nasabing shoe store ay nakatitiyak naman ang marami na ito nga ay sa Pilipinas.



Isa pang netizen ang nagbahagi ng ilang larawang tulad nang nauna at siya ay nakilala bilang si Auffie Anne Beatrice, nakasaad sa mga larawang iyong kung gaano kahiya-hiya ang ugaling inasal ng ilan sa ating mga kababayan na halos magkasabog-sabog na ang lahat ng mga sapatos na produkto ng nasabing tindahan.

Nakasaad din sa nasabing post na ang mga naturang sapatos pala ay inayos ng mabuti ng mga staff ng shoe store bago pa man magsimula ang kanilang sale. At tila nag-iba ng asal ang mga customer na nauna nang makapili ng mga ninanais nilang sapatos, nakakahiyang malaman na hindi man lamang nila naisip ang daratnan ng mga susunod pang mamimili roon o di kaya naman ay nagkaroon man lamang sila ng kahit kaunting malasakit sa mga empleyado nang naturang establisyemento.




error: Content is protected !!