Hindi mo aakalain na 45 taong gulang na pala ang modelong ito at isa na pala siyang ama!



May isang ama at modelong usap-usapan ngayon sa social media. Ito ay matapos ibahagi ng kaniyang anak na si Collin ang kaniyang mga kamangha-manghang larawan sa social media. Siya ay nakilala bilang si Clint Hayslett. Siya ay binansagang “hot dad” ng maraming mga netizen dahil sa kabila ng pagiging ama nito sa edad na 45 ay talaga namang may kakaibang karisma pa din siya.


Ito ang naging pahayag ni Collin sa kaniyang social media account:
“My dad is 45, pursuing a modelling career, and I’ve never seen him happier. He told me he’s just waiting for a chance to bl0w up. So, Twitter, meet my dad.” Kasama ng caption niyang ito ay ilang mga larawan ng kaniyang ama.




Ang nasabing post ay talaga namang nag-viral sa social media. Marami ang nakapansin sa tindig at katawan ng kaniyang ama na sa kabila ng edad ay talaga namang makakakitaan pa rin ng kakisigan at kagwapuhan sa kaniyang panglabas na kaanyuan.


Hindi din nakalimutan ni Collin na i-tag ang mga kilalang programa at personalidad sa pagbabakasakaling mapansin ang kaniyang ama tulad na lamang “The Ellen Show”, “Jimmy Fallon”, at “Jimmy Kimmel”. Maging ang social media ng kaniyang ama ay ibinahagi niya rin sa publiko.



Hindi naman naglaon at agad ding nabigyan nang pansin ang kaniyang post. Nagkaroon nga ng ilang proyekto ang kaniyang ama at ilang mga panayam sa mga kilalang programa.

Ito ang naging pahayag ni Collin:
“In the works of having my dad’s own signature pair of sunglasses, has a photo sh00t lined up this week, and he will be visiting Chicago soon! This is more publicity than we could’ve dreamed. Thanks for the love and support!”



Labis din naman ang pasasalamat ng ama sa kaniyang anak na si Collin dahil sa pagmamahal at suporta nito. Ito ang naging pahayag ni Clint:
“I can’t believe this! I’m humbled and grateful! Thanks to my son @coolcat_collin for the exposure and to all who have retweeted, liked, and memed this post! ‘People are introducing their dads in the latest trend.’”




error: Content is protected !!