Nagpasalamat si Lee Min Ho sa kanyang social media account ng matapos niya ang mandatory military service



Ang Korean na aktor na si Lee Min Ho ay umpisang nakilala sa bansa noong taong 2009 sa palabas na “Boys Over Flowers”. Ilan pa sa mga kilalang mga pinag-bidahan niyang palabas na napalabas sa ating bansa ay ang “Legend of the Blue Sea,” “The Heirs,” “City Hunter,” at “Boys Over Flowers,”.



Tunay na hinangaan ng mga pinoy ang aking galing niya sa pag-arte at pati na rin ang taglay niyang ka-gwapuhan. Ngunit marami ang nalungkot nang nawala siya sa showbiz upang gampanan ang ‘Mandatory Military Service’ sa kanilang bansa.




Pero isang magandang balita dahil nitong Ika-25 ng Abril ay natapos na ang kanyang military service. Siya ay dumating sa Suseo Social Welfare Center bilang pang huli niyang araw sa kanyang public service.



Ito ay labis na ikinatuwa ng kanyang mga fans. Siya ay sinalubong ng mga taga-hanga niya ng may mga signs, lobo, at mga regalo sa kanyang huling araw. Sinabi naman ng agency ni Lee Min Ho sa press na “There were no events held”. Kaya naging tahimik ang pag-alis ni Lee Min Ho sa military




Sa Instagram naman ni Lee Min Ho, lubos ang pasasalamat niya sa kanyang mga taga-suporta lalong-lalo na sa mga regalong ibinigay nila. Ibinahagi ni Lee Min Ho ang larawan ng maraming boquet ng bulaklak kasama ang kanyang aso. Ang mga bulaklak ay regalo mula sa kanyang mga fans. Ang litratong ito ay may caption na “Thank You”.



Balik showbiz na kaya ulit si Lee Min Ho? Ito ang sinabi ng agency ni Lee Min Ho na MYM Entertainment:
“He is reviewing several different projects.”


Nagbigay pagbati din ang agency kay Lee Min Ho:
“Today, Lee Min-Ho,an actor we’ve been waiting for a long time, is coming back to us. Please continue showing your love and interest for him and he will say hello with a better look.”




error: Content is protected !!