Pinasilip ni Coco Martin ang Bali-inspired niyang hardin na labis na hinangaan ng publiko ngayon!



Halos lahat ng mga Pilipino ay nangangarap na magkaroon ng sarili nilang mga bahay at lupa. Bagamat kilala ang ating lahi sa pagkakaroon ng “extended family” kung saan ang mga anak ay kadalasang nakatira sa kanilang mga magulang kahit pa mayroon na silang sarili nilang mga pamilya at mga anak.



Ngunit mayroon pa din namang mga Pilipino na nagnanais magkaroon ng sarili nilang mga tahanan na masasabi nilang kanila talaga para na rin sa lumalaki nilang pamilya. Kung kaya naman marami sa atin ang nagsusumikap makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho.

Isa na marahil ang aktor na si Coco Martin sa mga hinahangaang artista ng kaniyang henerasyon. Hindi na nga kataka-taka na matamo niya ang kaniyang tagumpay ngayon sa kabila ng kaniyang mga paghihirap noon at ng kaniyang pamilya. Hindi rin naman lingid sa kaalaman ng marami na mula siya sa mahirap na pamilya at nagsumikap ng husto para sa kaniyang mga pangarap.




Hindi na nga nakapagtataka na mayroon na siyang maganda at malaking tahanan, at ilang magagarang mga sasakyan sa ngayon. At kamakailan nga lamang ay hinangaan ng publiko at ng maraming mga netizen ang kaniyang Bali-inspired na hardin. Tila isang health and wellness resort sa ganda ang bahagi na ito ng kaniyang tahanan. Ang mga larawan na ibinahagi ni Coco Martin sa kaniyang Instagram ay talaga namang napakaganda at kahanga-hanga kung kaya naman umani ito ng maraming mga komento at reaksyon mula sa publiko. Talaga namang malayo na nga ang narating ng bidang aktor at direktor ng primetime hit teleserye na “Ang Probinsiyano”.


Una nang nakilala ang 37 taong gulang na si Coco Martin o si Rodel Pacheco Nacianceno sa tunay na buhay sa kaniyang mga Indie films at bumida din naman sa nakaraang blockbuster MMFF 2018 movie na “Jack Em Popoy: The Puliscredibles” kasama sina Vic Sotto at Maine Mendoza.




error: Content is protected !!