Isang matandang lalaki ang nakitang nagtitinda ng Cactus para magka-pera



Lahat tayo ay tatanda at walang makaka-pigil dito, kaya habang ikaw ay bata, gawin na lahat ng bagay upang maging maka-buluhan ang buhay na mayroon. Madalas tayong mangarap! Isang kaligayahan ang maisip na mayroon tayong saganang buhay. Ang iba ay pinagka-kalooban ng ganitong pangarap pero sa iba ay hanggang pangarap na lang talaga. Pero ang buhay ay isang biyaya na dapat ng ipag-pasalamat kaya ang dapat lamang gawin ay ibigay lahat ng makakaya upang mabuhay ng masaya.


Iniisip natin kung paano kapag tayo ay tumanda at dumating sa puntong hindi na tayo kapaki-pakinabang. Aasa na lamang ba tayo sa mga tulong ng pamilya? Paano kapag solo ka lang sa buhay? Sandamakmak na katanungan ang mga naiisip natin sa ating hinaharap pero ang dapat lamang isipin ang kasalukuyan.




Pero ang mga mas nakaka-bilib ay ang mga lolo at lola na sa kabila ng kanilang katandaan ay nagagawa pa rin nilang kumayod para sa pamilya. Sabi nga ng ibang matatanda, mas mainam na ang magtrabaho kaysa sa manatili sa bahay ng walang ginagawa.


Ito ang pinatunayan ng isang lolo na nagtitinda sa ilalim ng tulay ng Pasay Rotonda na malapit din sa EDSA. Isang netizen ang kumuha at nagbahagi ng nga litrato sa isang matandang kalaki na nagbebenta ng cactus.





Sa pangalan sa Facebook na Niña Gonzaga, ibinahagi niya sa social media ang nakaka-bilib na matandang nagbebenta ng mga murang cactus. Sa halagang 50 pesos ay maroon ka ng mabibiling maliit na cactus. Ang iba namang mga kakaiba at rare na cactus ay nagkaka-halagang 60-250 pesos. Mayroon din itong tinda na mga makukulay na paso sa halagang 15 pesos.




Tunay na nakaka-bilib si Lolo dahil kahit ganito ang edad niya ay masigla at pala-ngiti ito. Nakakatuwa rin dahil kabisado ni Lolo ang mga pangalan ng mga cactus na itinitinda niya. Ang post ni Niña Gonzaga ay nakatulong sa matanda dahil marami ang bumili sa kanya. Ito ay sinabi ng matanda sa kanya noong binalikan niya ito. Nagpasalamat ang Lolo sa kanya dahil sa tulong na ginawa niya.





error: Content is protected !!