Baron Geisler, ikakasal na sa nobya niyang psychologist!



Marami na tayong napapanuod o nababalitang mga artista na iniwan ang industriya ng show business para sa kanilang pamilya, personal na kaligayahan o kadahilanan at nakakatuwang malaman na mabuti at maayos na ang kanilang buhay sa ngayon. Ngunit nakakaungkot din namang isipin na mayroong ilang mga sikat na personalidad na tila hindi na muling nabigyan pa ng isang pagkakataon na patunayan ang kanilang sarili.



Marami ang nagulat sa paglabas ng aktor na si Baron Geisler sa top-rating show na “FPJ’s: Ang Probinsiyano”. Ngunit ikabigla rin ng lahat ang balitang ikakasal na siya sa kaniyang nobya na isang psychologist.

Ayon sa ilang ulat, tatlong buwan na ang nakalilipas matapos maging engaged ang aktor ang kaniyang nobya na si Jamie Marie Evangelista. Matapos ng apat na buwan nilang pagdedate. Inamin din ng aktor na kasakasama niya ang nobya mula pa ng magbagong buhay siya sa Cebu.




Naging sobrang pasensyosa rin daw siya at alam na alam din ng nobya kung paano siya papakalmahin. Masayang masaya ang aktor dahil sa pag-aalaga at pagmamalasakit nito sa kaniya. Masaya rin namang ibinahagi ng aktor ang kaniyang bagong bukas na barber shop sa Gaisano Mall sa Cebu na talaga namang sinuportahan ng kaniyang nobya.

Dagdag pa ni Geisler, toda suporta ang kaniyang kasintahan kahit noon pa man na walang-wala siya. Pagod na rin diumano siyang maglaro at magparty na lamang palagi. Nais na niyang magkaroon ng sarili niyang pamilya. Umani din ito ng maraming positibong komento at opinyon mula sa mga netizens.

Kung dati rati ay laman siya ng balita tungkol sa mga away o di kaya naman ay gulo, malaking pagbabago at pagkakataon para sa kaniya ang muling mapanuod sa telebisyon at mabigyan ng pagkakataong makapagplano at makapagbuo ng kaniyang sariling pamilya. Bagamat batid na ng publiko ang kanilang binabalak na kasal ay wala pang eksaktong araw ang kanilang kasal dahil sa hindi pa nila ito napagdedesisyunan.




error: Content is protected !!