Larawan ng aktres na si Dawn Zulueta noong 1988 umani ng maraming reaksyon at komento mula sa publiko!



Ang aktres na si Dawn Zulueta ay nagbahagi ng kaniyang larawan mula pa noong 1988, gaya ng dati talaga namang ikinamangha ito ng marami. Walang kupas at wala talagang makapapantay sa angkin niyang kagandahan.



Narito ang naging post ni Dawn Zulueta sa kaniyang Instagram:
“1988. #throwbackthursday #80s #hanapsabaul #angdamikokasingpangthrowback.”

Narito naman ang komento ng mga netizen sa kaniyang throwback na larawan:


“Nothing has change.You’re forever beautiful, Ms.Dawn,” ayon kay @alicpalaleona.

“Then and now, you are beautiful. You just grow more beautiful as you age. Much like an aged wine, you become better and more precious,” sabi naman ni @nokalover.


“Honestly, where are you keeping the fountain of youth?” nagtatakang tanong naman ni @dawnxalice.

“Beautiful as ever, Ma’am Dawn, my idol,” komento naman ni @mila.zapanta



Si Dawn Zulueta ay kilala rin bilang si Marie Rachel Salman Taleon-Lagdameo sa totoong buhay. Mula pa noong 1986 ay talaga namang hinangaan na ang taglay niyang kagandahan at husay sa pag-arte. Ilan sa mga nakamit na niyang karangalan ay ang Filipino Academy of Movies Arts and Sciences (FAMAS) awards for Best Lead Actress (Hihintayin Kita sa Langit) at Best Supporting Actress (Una Kang Naging Akin) noong 1991.

Nagkamit din siya ng Supporting Actress of the Year award sa Film Academy of the Philippines para sa Una Kang Naging Akin at tinanghal din siya bilang Box Office Queen noong 1994 at sa Guillermo Mendoza Memorial Foundation Entertainment Award para sa highest-grossing film noong taon din na yon na “The Maggie Dela Riva Story: God Why Me?”.



Talaga namang nakakamangha ang gandang walang kupas ng isang Dawn Zulueta. Tunay ngang hindi lahat ng artista ay mayroong ganitong uri ng kagandahan. At talaga namang pinagpala ang isang Dawn Zulueta na likas at natural nang maganda kahit sa anumang anggulo. Kahit ilang taon na ang nakakalipas ay hindi pa rin kumukupas o tumatanda ang ang kaniyang kagandahan.




error: Content is protected !!