Pagbabago ng aktor na si Baron Geisler napansin ng publiko at umani ng maraming reaksyon at komento mula sa mga tao!



Likas na marahil sa ating mga Pilipino ang maging updated sa mga balita, tungkol man ito sa mga usaping pambansa o di kaya naman ay sa industriya ng show business. Hindi maipagkakailang alam natin ang mga kaganapan sa ating kapaligiran.


Isang netizen na nakilala bilang si Jacob Christopher Celiz Colinco ang nagbahagi ng kaniyang naging karanasan sa aktor na si Baron Geisler. Nakita niya diumano ang aktor patungong simbahan at agad agad siyang nagpalitrato dito na hindi naman tinanggihan ng aktor. Matapos niyang magpakuha ng litrato ay may mga sumunod pang gusto rin magpakuha ng larawan kasama ang aktor at nagulat siya sa sinambit ni Baron na:
“Bilisan n’yo guys. Male-late na tayo sa church.”




Hindi siya makapaniwalang magmumula sa aktor ang mga katagang iyon dahil sa noon ay nakilala si Baron sa napakaraming reklamo sa kaniya hindi lamang dahil sa pangbabastos kundi sa pakikipag-away na rin at sa ilang basag-ulo. Narito naman ang naging pahayag ng binata patungkol sa nasaksihan niya:


“Namangha lang ako, kasi dating basagulero, bastos, at walang patutunguhan ‘yung buhay. Ngayon laman na ng Church, nag-shashare ng Word of God, at patuloy na naglilingkod kay Lord. Nakakamangha at nakaka-inlove si Lord kasi nagpapabago at binabago niya ‘yung taong akala natin walang kwenta at walang patutunguhan yung buhay niya. Baron Geisler is the living proof of how God can make your life change if you believe in Him.”



Ang post na ito ay umani na ng mahigit sa 130,000 views at higit sa 36,000 shares. Tunay ngang walang imposible sa Panginoon. Kayang-kaya Niyang baguhin ang buhay ng kahit sinumang makasalanan basta’t matuto lamang tayo na humingi ng tawad at isuko ang ating mga kasalanan at sarili sa Panginoon.


Tiyak na marami ang makakakuha ng inspirasyon sa buhay ng aktor na si Baron Geisler na sa ngayon ay engaged na din sa kaniyang Psychologist na nobyang si Jamie Marie Evangelista.





error: Content is protected !!