Isa sa pinaka-mahal na resort sa buong mundo na $100,000 ang isang gabi na matatagpuan sa Pilipinas



Isa sa mga kinahihiligan ng maraming tao ang pagpunta sa mga resort. Sa paraang ito ay nagiging masaya sila kasama ang pamilya o mga mahal sa buhay. Siyempre, mas masaya kung magandang resort ang mapupuntahan. Pero kapag sinabing magandang resort, ibig sabihin ay maganda rin ang presyo nito.


Isa ang ating bansa sa may mga kilalang resort sa buong mundo. Kaya kung iisipin nga naman, bakit mo pa naisin na magpunta ng ibang bansa kung sa atin lang ay magiging masaya na sa mga pasyalan.




Pero kung resort ang pag-uusapan, may resort sa ating bansa na sadyang napaka-mahal ang presyo. Kinakailangan mo ng $100,000 para masubukan ang kagandahan ng lugar na ito. At sa halagang yan ay pang isang gabi lamang.


Ito ay ang Banwa Private Island na isang island resort na matatagpuan sa Palawan. Ang presyo ng isang gabi ay tumatayang ₱5.1 Milyon na hanggang tatlong gabi lang ang pinaka-matagal na pamamalagi. Tunay na ito ay isang pribadong isla. Ayon sa website nito ang lugar ay “truly private island”. Hanggang 48 na katao ang pwedeng maging masaya sa lugar. At mag-enjoy sa ganda ng dagat, villas, at mga suites.



Mayroon itong anim na beachfront villas, lahat ng villas ay may private infinity pool at jacuzzu. Mayroon ding 12 na garden rooms at top-level residential suite. Siyempre hindi mawawala ang pagkain dahil siguradong masarap ito. Dahil ang mga nagluluto sa Restaurant ng Banwa ay mga grupo ng Chefs. Bukod sa mga nasabi, ang mga guests ay maaring gamitin ang nga gym, massage suite, tennis court, at may jogging track pa.


Para makapunta sa mamahaling resort na ito, kinakailangan sumakay ng eroplano mula sa Maynila. Mayroon ding mga Helicopter na tumatagal ang biyahe ng dalawang oras. Pero bukod ang bayad nito at hindi kasama sa bayad sa resort. Kung ikaw ay may pera, handa ka bang gumastos ng ganito kalaki para masubukan ang kagandahan ng lugar na ito?





error: Content is protected !!