Nadine Lustre, pinasabik ang kaniyang mga tagahanga nang sumigaw ng “Darna!” sa unang pagkakataon!



Ang aktres na si Nadine Lustre ay mayroong kumakalat na video sa social media kung saan sinubukan niyang gayahin ang sikat na linya ng karakter ni Darna. At talaga namang ikinatuwa ito ng kaniyang mga tagahanga at tagasuporta. Mapapanuod at maririnig ng malinaw ang boses ng aktres habang sinasabi nito ang mga katagang “Ding ang bato!” na agad namang sinundan ng pagsigaw niya ng “Darna!”



Inakala pa nga ng marami na siya na talaga ang gaganap sa pangunahing tauhan ng kwento na si Darna. Marami din naman ang nagkomento na dapat na talagang mapunta sa kaniya ang role. Ang maiksing video na viral ngayon sa social media ay bahagi ng vlog ni Donnalyn Bartolome na nakapost sa YouTube nang ika-pito ng Mayo. Sa limang minutong video ni Bartolome ay makikitang nakikiusap siya kay Nadine na gawin ang nasabing re-enactment.

Noong una ay ayaw pang pumayag ng aktres dahil sa ayaw niyang pag-usapan ang nasabing proyekto kahit pa nga ang direktor na si Erik Matti ay napupusuan siyang pumalit sa aktres na si Liza Soberano matapos nitong umatras sa proyekto ngunit kalaunan naman ay ginawa na rin niya ito.




Narito ang mga salitang binitawan ni Donnalyn upang makumbinsi siyang gawin ang nasabing re-enactment:
“Huwag mong i-avoid kasi bagay sa ‘yo. Kahit hindi pa o hindi man (maging Darna), in my opinion, dapat kanya yun (role).”Agad namang sagot sa kaniya ni Nadine: “I’ll do it for you!” Ang nasabing vlog ay mayroon nang 167 libong view mula nang maipost ito. Halos lahat ng nakapanuod ng nasabing video ay nagkomentong bagay na bagay si Nadine sa role at sa mapapansin sa video na talaga namang para sa kaniya ang pagsigaw ng “Darna!”.

Narito ang ilang komento ng mga netizen sa viral na video:
“I don’t approve her being ‘Darna’ but when I watched this and heard her shout Darna, I’m so lost for words. She’s the one.” -Jeff Bunggay

“Nadine doesn’t need Darna. Darna needs Nadine,” ayon naman ito kay Krystal Mae, na isa ring Youtube viewer.




error: Content is protected !!