Isang kakaibang wedding reception na tampok ang mga eco-friendly na kagamitan hinangaan ng publiko!



Kamakailan lamang ay naging usapan-usapan sa social media ang kakaibang pagdiriwang ng bagong kasal na ito na talaga namang Pinoy na Pinoy. Kung maraming mga kasalan ngayon ay napupuno ng mga mamahalin at magagarang gamit, damit, at mga sasakyan, ang kasalan na ito sa Sta. Catalina, Negros Oriental ay nagbalik sa simple at hindi marangyang pamamaraan.


Isang netizen ang nagbahagi nito sa Facebok na nakilala bilang si Pi Ib-ib. Ito ay ang kasal nina Kikay at Dame na talaga namang hinangaan ng maraming netizen. Maraming mga netizen ang natuwa at napa-alalahanan sa tradisyunal na kasalan sa bukid noon.




Sa kakaibang kasalan na ito, mayroong mga nakahandang prutas at iba pang pagkain sa bilao at sa dahon ng saging. Samantalang ang mga kanin naman ay nasa “puso” o nakabalot sa dahon. Mayroon din naman silang “kakanin buffet” para sa lahat. Ngunit ang higit na pumukaw sa atensyon ng mga tao ay hindi sila gumamit ng plastik na cup o plastik na plato sa halip ay balat ng puno ng saging at dahon ang naging gamit nila.


Wala rin silang mga plastik na kutsara at tinidor. Kung kaya naman nagkamayan ang lahat. Mayroon din silang inuman o “ilimnon” na mayroong kawayan na baso at kawayan na straw. Hindi lamang ito mainam sa kapaligiran ngunit nakaligtas rin sa sandamakmak na urungin at ligpitin ang pamilya.



Sa halip na tradisyunal na appliances ang hilingin ng mag-asawa na regalo sa kanilang kasal ay ninais nilang magkaroon ng mga halaman, mga buto na maaaring itanim, prutas, gulay at kape. At talagang patok na patok din naman ang kanilang “wedding giveaway” na “sinamak” o suka na mayroong sili sa kanilang mga bisita.


Mayroon na itong 6,400 na mga reaksyon at maraming positibong komento tulad na lamang nina:
I. Calunsag na nagsabing, “The best wedding reception.” Gayundin ng netizen na si E. Ubalde “At wala akong nakitang langaw na umaaligid. Unique concept. 2 thumbs up!”





error: Content is protected !!