Mga larawan ng pamilya Dantes labis na kinagiliwan at kinatuwaan ng publiko!

Ang regalo ng isang masaya at buong pamilya ay talaga namang hindi mapapantayan, hind matatawaran o mabibili ng kahit gaano man kalaki na salapi. Ang isang pamilyang puno ng pagmamahalan, respeto at tiwala sa isa’t-isa ay ang pangarap ng maraming Pilipino at maging ng ibang tao sa buong mundo.

Pamilya ang nagsisilbing gabay ng marami sa landas na kanilang tatahakin at sa landas na kasalukuyan nilang tinatahak. Tunay ngang ang isang pamilya ay hindi makukumpleto kung wala ang ilaw ng ating tahanan. Kung kaya naman kamakailan lamang ay masaya nating ipinagdiwang ang araw ng mga ina.


At isa na sa maraming nagdiwang nito ay ang sikat at pamosong pamilya Dantes, na kamakailan din lamang ay ipinagbunyi ng buong Pilipinas ang pagkakasilang ni Marian Rivera sa ikalawa nilang anak ng mister na si Dingdong Dantes na pinangalanan nilang Baby Ziggy. Talaga namang umani ng maraming positibong komento at reaksyon mula sa mga netizen, sa kanilang mga tagasuporta at tagahanga ang pamilya Dantes. Hindi naman nagpahuli sa pagbati ang haligi ng kanilang tahanan na si Dingdong Dantes at nagbahagi rin siya ng kaniyang pagbati sa kaniyang kabiyak:
“A realized dream—all because of you, Marian Rivera. Happy Mother’s Day to this little family’s SuperMom.”


“Salamat Ama, for my greatest gifts,” ito naman ang naging pahayag ni Marian Rivera sa kanyang social media post na nilagyan niya rin ng hashtag na #TheDantesSquad. Umani ito nang mahigit sa 685,000 likes.

Ang mga larawang ito ng pamilya Dantes ay kinagiliwan din naman ng kanilang mga katrabaho sa industriya. Sa katunayan ay narito ang ilan sa kanila at ang kanilang mga naging komento:
“This is too special,” pahayag ni Iya Villania-Arellano na isa ring celebrity influencer at ina.


“Napakagandang pamilya,” ito naman ang naging komento ng StarStruck alumna at mabuting kaibigan ng mag-asawa na si Sheena Halili.



Reply

error: Content is protected !!