Sagot sa mabagal na “Internet Speed” nadiskubre ng isang netizen at ibinahagi nito sa social media!



Sa mga oras at araw na ito halos lahat na nga ng ating mga ginagawa ay online. Pamamalengke, pagbabayad ng bills, transaksyon sa bangko o maging sa negosyo, mga online jobs, online classes, halos lahat na nga ng maaaring magawa online ay sinubukan na natin maiwasan lamang ang “physical contact” lalo na sa panahon ng pandemyang kinakaharap natin sa ngayon.



Tunay ngang napakalaking bagay para sa maraming mga Pilipino ang maayos at mabilis na “Internet Speed”. Ngunit aminin man natin o hindi, marami sa atin ang nakakaranas ng hindi maganda at hindi maayos na serbisyo mula sa mga internet service provider natin tulad na lamang halimbawa ng Globe, PLDT, at Converge.


Sa kabila ng sari-saring mga reklamo at hinaing, sinong mag-aakalang mayroon pa pala itong solusyon? Ayon nga sa social media post ng netizen na si Shawn Matiz, para sa mga taong nakakaranas ng mabagal at mahinang internet connection, mayroon siyang simple at mabisang tip.


Ayon sa kaniyang post, para sa mga nagkakaproblema sa kanilang “PLDT Home Wi-Fi” maaari nilang subukan ang paraang ito. Sa pamamagitan lamang ng isang “aluminum foil” na halos dalawang beses ang laki ng sukat sa router at mayroong taas na hindi lalampas sa 2 inchess ay maaari mo nang mapabilis ang iyong internet connection.

Kailangan lamang na nakasandal ng bahagya ang foil sa router at medyo nakabaluktot. Nasubukan na niya ito at talaga namang epektibo dahil sa bumilis nga ang kanilang internet connection.



Ngunit nang sinubukan niya itong tanggalin ay bumalik na naman sa sobrang bagal ang kanilang internet connection. Alternatibong “Wi-Fi booster” ang aksidenteng nadiskubre na ito ni Shawn nang bigla na lamang hanginin ng bentilador ang foil na nasa tabi ng kanilang router.

Umani naman ito ng maraming komento at reaksyon mula sa mga netizens. Tiyak na magiging malaking tulong ito para sa maraming mga taong nangangailangan ng mabilis na internet connection lalo na sa panahon natin ngayon.




error: Content is protected !!