Nobyo ni Dawn Chang na isang kilalang aktor dati, kilalanin!

Masarap magmahal, sabi nga ng marami. Ngunit tiyak na mas masarap magmahal kung mamahalin ka rin pabalik ng iyong sinisinta. At talaga namang kitang-kita ito sa mata nina Dawn Chang at ng kaniyang nobyong si Justin Cuyugan. Nito lamang Enero ng umamin ang dalawa sa tunay na estado ng kanilang relasyon matapos mapansin ng publiko ang mga sweet na larawan ng dalawa sa kani-kanilang social media account.


Ang mga larawan na ito ay kuha noong magbakasyon sila sa Amerika at sinundan pa ng kumpirmasyon ni Dawn sa panayam sa kaniya ni DJ Jai Ho sa telepono. Naibahagi ng dalaga kung gaano kabukas ang isipan ng kaniyang nobyo sa halos lahat ng bagay kung kaya naman nakakapagkwento siya rito ng kahit ano. Masarap daw kausap si Justine at talaga namang napakamaintidihin.


Magpahanggang ngayon nga ay inlove na inlove pa rin ang dalawa sa isa’t-isa. Hindi ito maipagkakaila sa mga nakakakilig na larawang ibinabahagi nila sa kani-kaniyang social media account. Binati rin naman ni Dawn ang nobyo noong kaarawan nito noong nakaraang Oktubre.

Ipinagmalaki niya kung gaano siya kapalad na kasama niya ang kaniyang minamahal sa bawat emosyon na kaniyang nararamdaman sa araw-araw. Siya rin di umano ang matiyagang nagturo sa kaniya ng maraming mga bagay patungkol sa buhay.


Noon ay naugnay si Dawn Chang sa ilang mga aktor tulad ni Zeus Collins at Arron Villaflor samantalang hiwalay naman sa kaniyang asawa si Justin at mayroong tatlong mga anak. Maraming mga netizen ang natutuwa sa kanilang mga sweet at nakakakilig na larawan sa social media. Marami din ang nagsasabing talagang bagay na bagay silang dalawa.


Tunay ngang walang anumang magiging hadlang sa dalawang tao na tunay na nagmamahalan. Anuman ang estado nila sa buhay o mga interes at hilig ay tiyak na magkakasundo sila anuman ang mangyari.

Lalo na kung hinahangad at pinapangarap din ng bawat isa na makasama ang kanilang minamahal sa panghabang-buhay at sa tamang panahon ay sabay silang haharap sa altar at ipapahayag ang kanilang pag-ibig kasabay ng pagbibendisyon sa kanilang pagsasama.



Reply

error: Content is protected !!