Pauleen Luna-Sotto ibinahagi ang kaniyang opinyon patungkol sa 35 taong “age gap” ni Vic Sotto sa kaniya!



Sabi ng ilan, kalabaw lang daw ang tumatanda. Hindi dapat gawing basehan ang edad ng isang tao sa mga bagay na kaniyang gawin nito para sa kaniyang sarili at para sa ibang tao.

Maging pagdating sa pag-ibig ay hindi rin naiiwasang maungkat ang patungkol sa usaping edad. Maaaring ang asawang babae o lalaki ay mas matanda sa isa kung kaya naman madalas ay pinagmumulan ito ng ilang mga kristisismo mula sa ibang tao.



Ngunit hindi ito alintana ng host at aktres na si Pauleen Luna-Sotto. Marie Pauleen Jimenez Luna-Sotto o mas nakilala ng marami bilang si Pauleen Luna ay 31 taong gulang na artista sa telebisyon. Mas hinangaan siya ng publiko bilang isang mahusay na host sa afternoon variety show na “Eat Bulaga!”



Taong 2016 nang ikasal siya sa kaniyang nobyo na si Vic Sotto, isang beteranong aktor, komedyante at host sa bansa. Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Pauleen sa isa sa kaniyang mga social media post kung paano nga ba niya hinarap ang halos 35 taon na agwat ng edad nila ng kaniyang mister.


Noong una ay inamin ni Pauleen na wala siyang alam na maisagot sa katanungan na ito. Ngunit nang pinag-isipan niya ng husto ay napagtanto niyang mayroon pala siyanag sagot para rito. Para sa kaniya ay naging malaking bagay ang pagmamahal at respetong ipinararamdam at ipinakikita ng kaniyang asawa sa kaniya upang hindi niya maramdaman ang “age gap” nilang ito.

Kahit minsan ay hindi siya sinigawan o pinagtaasan ng boses nito kung kaya naman kahit mas bata siya sa kanilang dalawa ay hindi niya ito naramdaman kailanman. Palagi niyang nararamdaman na mahalaga siya sa kaniyang asawa at sa kaniyang pamilya.



Tunay nga na hindi naging problema para sa mag-asawang Vic at Pauleen ang kanilang edad. Napakalaking bagay din talaga ang wagas na paagmamaahal at respeto para sa isa’t-isa lalo na para sa maayos na pagsasama ng mag-asawa.

 




error: Content is protected !!