Ayon sa isang pag-aaral, ang kakulangan sa tulog ay maaaring makaapekto ng malaki sa paghahanap mo ng pag-ibig!

Marahil ay magiging disiplinado na tayong lahat sa tamang oras ng pagtulog hindi ba? Maraming mga kababaihan o kahit pa mga kalalakihan sa ngayon ang tila nakakalimutan nang matulog dahil sa sobrang daming ginagawa o kaabalahan sa kani-kanilang mga trabaho. Gaya ng sinasabi na maraming gawain ngunit tila kakaunti lamang ang oras upang gawin ang mga ito. Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na ang hindi wastong oras ng pagtulog ay maaaring makaapekto sa ating katawan at kalusugan ngunit ang higit pa rito ay ang katotohanang maaari din itong maging dahilan ng maliit na tyansa mo sa pag-ibig!

Marahil ay maraming tao na nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay single pa rin sila. Habang ang iba naman ay natagpuan na sana ang kanilang tunay na pag-ibig ngunit hindi sinasadyang napabayaan at nakawala pa ito. Isang artikulo na nailathala sa “Psychology Today” ang na tuloy tuloy na “high-quality” sleep ay makakatulong upang makamtam mo ang pag-ibig na iyong inaasam dahil sa ang kakulangan sa pagtulog ay makakaapekto sa iyong pisikal, emosyonal, at mental na kapasidad.

Kung ikaw ay hindi makakatulog ng pitong oras araw-araw, ikaw ay maaaring:

1.) “Ikaw ay maaaring magmukhang pagod palagi at hindi interesado sa pakikipag-usap o pakikipagkomunikasyon.” Maaaring hindi lang ang pisikal o panglabas na anyo ang dahilan para magustuhan mo ang isang tao ngunit sabi nga ng Siyensya, ang mga taong mayroong sapat na pahinga ay mas nagmumukhang kaakit-akit sa mata ng iba.

Ang kakulangan sa tulog ay maaaring maginh dahilan upang magmukha kang sakitin o hindi mo inaalagaan ang iyong sarili.

2.) “Mas magiging mainitin ang iyong ulo, iritable, at lapitin ang away at argumento.” Isang pag-aaral noong 2014 ang nagsasabing mas madalas mag-away ang mga magkarelasyong kulang sa tulog. Kahit sa mga single ay ganito rin naman ang nagiging epekto ng kakulangan sa pagtulog.

Kung ang isang tao ay kulang sa pahinga, bumabagal ang kakayahan nitong mag-isip at umunawa kung kaya naman hindi na rin nila nabibigyan ng panahon ang intindihin at unawain ang kanilang kapwa.

3.) “Ito ay nakakaapekto rin sa iyong sense of humor.” Marami sa atin ang naaakit sa mga taong mayroong sense of humor at ang kawalan o kakulangan ng pagtulog ay madalas na nagiging dahilan upang maapektuhan ang natural na paraan natin ng pagpapatawa o pagiging palabiro.

Isang artikulo sa “Psychology Today” ang nagpaliwanag na ang pagpapatawa at nangangailangan ng mataas na lebel ng cognition at ang kawalan ng sapat na pagtulog ay labis na nakaaapekto dito.

4.) “Ito ay nakakaapekto rin sa memorya.” Tulad na lamang ng isang kompyuter, ang utak natin ay nangangailangan ding mamahinga. Ang kakulangan sa pagtulog at kadalasang nagreresulta sa pagkalimot ng mga mahahalagang araw, gaya na lamang anibersaryo o kaaarawan na nagiging dahilan rin ng tampuhan o away sa mga magkarelasyon.

Kung kaya naman mas mainam na matulog ng sapat na oras sa araw-araw upang makapagpahinga tayo mula sa nakakapagod na araw at trabaho. Kung maaari rin ay iwasan ang paggamit ng cellphone o anumang gadget o manuod ng telebisyon 30 minuto bago matulog upang makapaghanda ang ating isipan at katawan sa oras ng pamamahinga. Kung napapansin mo naman na hindi na umuubra sa iyo ang mga simpleng pamamaraan na ito ay mas mabuting kumonsulta na sa doktor upang maobserbahan at matign ng eksperto ang inyong problema sa pagtulog.

Source:FemaleNetwork



Reply

error: Content is protected !!