Magandang balita para sa lahat! Pagiging flight attendant bukas na rin para sa mga high school graduate!

Ang pagtatrabaho bilang isang flight attendant ay nagbibigay sa iyo ng pagkakataon upang makapaglakbay sa iba’t-ibang panig ng mundo at maranasan ang naggagandahang kultura, tradisyon at mga tanawin sa mga ito. Ang trabahong ito rin sa ngayon ang isa sa pinakanakakaingganyang trabaho sa buong mundo. Walang duda na maraming mga kabataang Pilipino ang nangangarap na makapagtrabaho bilang isang flight attendant.


Subalit, sadyang hindi madali makapasok sa industriyang ito. Dahil sa kakailanganin mong katagpuin ang lahat ng mga kaukulang pangangailangan ng mga kompanya. Marami sa mga kompanyang ito ang nangangailangan ng mga indibidwal na nakatungtong ng hindi bababa sa dalawang taon sa kolehiyo.


Sa isang ibinahaging post ng Flight Attendant Philippines, inisa-isa nila ang mga requirements ng mga kilalang airline company sa bansa ngayong taon. Ang mga flight attendant ang siyang nagsisilbing mukha ng mga airline company na ito sa lahat halos ng aspeto. Tranaho din nilang siguraduhin ang kaligtasan at kaginhawahan ng mga pasahero sa kanilang biyahe sa pamamagitan ng pagsunod sa mga regulasyong pangkaligtasan ng Federal Aviation Administration.

Sa ngayon, tumatanggap na rin ang ilang mga airline company ng mga highschool graduate na nangangarap maging flight attendant na talaga namang ikinatuwa at ikinagalak ng marami.

Ang mga karaniwang kwalipikasyon ng ilang mga airline company sa Pilipinas ay ang mga sumusunod: dapat ay nakatungtong at nakapagtapos hanggang dalawang taon sa kolehiyo, wala pang asawa, 27 taong gulang pababa, marunong magsalita at magsulat ng Ingles, hindi bababa sa 5’3” ang taas at ang timbang ay dapat tama at wasto lamang sa katawan, may propesyonal na imahe, maayos na mga ngipin, magandang ngiti, maganda at kaaya-ayang pag-uugali at positibong pananaw sa buhay.


Ang starting salary ng mga flight attendant ay mula sa P18,000 hanggang P26,000 na maaaring pang tumaas sa P36,000 hanggang P54,000 depende sa kanilang pagsasanay at karanasan ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).



error: Content is protected !!