Pagbisita ni Jinkee Pacquiao sa engrande, pribado at masayang lugar usap-usapan ngayon ng publiko!



Saan nga ba ang iyong happy place? Para sa misis ni Senador Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao, ang kahulugan ng isang masayang lugar na kaniyang pinupuntahan sa tuwing siya ay nalulungkot o nangangailangan ng pamamahinga ay hindi lamang basta mamahaling resort o sikat na isla dito sa loob o sa labas man ng ating bansa. Hindi na niya kailangan pang pumunta sa ibang banyagang bansa o sa ibang panig ng ating bayan dahil mayroon silang pribadong resort sa Sangani na pagmamay-ari mismo ng kanilang pamilya.


Sa kaniyang post nitong nakaraang araw lamang ay kitang-kita naman talaga ang napakagandang resort nila sa Glan, Sarangani. Ang pribadong resort na ito na mayroong napakaengrandeng rest house at kamangha-manghang tanawin ng karagatan ang “happy place” ni Jinkee.




“Back in my happy place.” ito ang caption ni Jinkee sa kaniyang mga larawan sa kanilang pribadong resort. Nagbahagi siya ng napakagarang sala ng kanilang rest house na mayroong larawan ng kanilang pamilya at mayroon pang hashtag na “#privateresort”.


Noong nakaraang May 16 din naman ay nagbahagi siya ng larawan ng kanikang rest house at may caption pa itong “I miss this place”. Talaga namang manghang-mangha ang 1.2 milyon niyang followers sa social media. Isang netizen na nakilala bilang Mel ang sumang-ayon at nagkomento na sadyang napakaganda talaga ng lugar na parang isang paraiso. Isang Joanne Madayag naman ang nagsabing sobrang nakakamangha ng lugar at ng tanawin.



Nang sumunod na araw ay tila nagkaroon siya ng panahon para sa kaniyang sarili at nagbahagi siya ng larawan ng kaniyang bag, tsinelas, at sumbrero na nasa isang tela na nakalatag sa buhanginan. Hindi rin naman malinaw kung pumunta si Jinkee ng mag-isa sa pribado nilang resort. Ilang araw na rin ang lumipas ng ipinagdiwang nila ang ika-70 kaarawan ni Mommy Dionisia sa kanilang bayan sa General Santos City.




error: Content is protected !!