Isang napakagandang halimbawa ang ama na ito na kahit maliit lamang ang kinikita ay patuloy pa ring nagsusumikap at sinusuportahan ang kaniyang pamilya



Ano nga ba ang kahulugan sa atin ng isang huwarang modelo o role model? Sino nga ba ang maituturing nating role model sa ating buhay? Marahil marami sa atin ang magsasabing ang mabuting huwaran sa kanilang buhay ay mga sikat na artista o personalidad sa industriya ng show business o maging sa pulitiko. Ngunit mayroon din namang iilan na itinuturing ang kanilang mga magulang bilang kanilang huwaran. Gaya na lamang ng lalaki na ito na isang mabuting huwaran ang tingin sa kaniyang ama.


Isang Ayie Ahbotz ang nagbahagi ng larawan ng kaniyang ama sa social media habang ginagawa nito ang kaniyang trabaho, ang maglinis at magwalis ng mga kalat sa kalsada. Bagamat hindi gaanong kalakihan ang sweldo ng ama ay hindi pa rin ito nagiging dahilan upang wala silang pagkain sa kanilang hapag-kainan o di kaya naman ay mga damit na isusuot niya at ng kaniyang mga kapatid. Higit pa rito ay nakapag-aaral din silang lahat.




Pinuri at nagbigay-pugay si Ayie sa kaniyang mahal na ama at sinabing napakaraming naging impluwensiya ng ama sa kaniya. Talaga namang nakakaantig ng puso ang mensahe nito para sa kaniyang ama.


Madalas ding sinasamahan ng anak ang kaniyang masipag na ama sa Nee Soon Town Council sa Singapore. Marami din diumanong natututunan ang anak sa kaniyang ama lalo na sa kanilang mga “street talk session”. Napakaraming magagandang araw sa buhay ang naituturo sa kaniya ng kaniyang ama.



Tunay ngang wala makakapantay sa sakripisyo ng isang magulang para sa kaniyang mga anak. Hindi alintana ang puyat, pagod, o gutom mabigyan lamang ng magandang buhay ang kanilang pamilya. Nakakatuwang malaman na mayroon pa ring mga tao at mga anak na nakikita ang kanilang mga sakripisyo at pagpapagal sa buhay hindi para sa kanilang sariling kapakinabangan ngunit higit sa lahat ay para sa mahal nilang pamilya at mga anak.




error: Content is protected !!