Kilalanin natin ang magandang asawa ni Jay Contreras ng Kamikazee



Naaalala niyo pa ba ang bandang nagpasikat ng kantang “Narda”? Ang kantang kahit mga bata ay kayang kantahin mapa-videoke man o sa mga tugtugan. Tunay na binigyan tayo ng magandang musika ng bandang Kamikazee. Maraming mga kabataan ang naaliw sa klase ng musika na ibinahagi nila. Kaya marami ang nalungkot ng ang bandang ito ay na-disband na.


Bagamat disbanded na ang bandang ito, marami paring mga taga-sunod ang nagaabang ng muli nilang pagbabalik. Nagpaalam man sa kanilang farewell concert noong ika-10 ng Disyembre taong 2015 sa Smart Araneta Coliseum, marami pa ring umaantabay na sana sila ay muling gumawa ng musika.




Pero siyempre, ang pinaka-mahalaga sa bawat miyembro ng isang banda ay ang kanilang pamilya. Marahil ito ang naging desisyon ng banda upang madisband. Pero labis na ikinatuwa ng kanilang mga fans ng sila ay nagkaroon ng Tagpuan Tour 2018 pagkatapos ng dalawang taong hindi pagtugtog.


Kilala natin ang lead vocalist ng bandang ito na si Jay Contreras. Pero pinaguusapan ngayon ng marami ang kagandahan ng kanyang asawa na si Sarah Abad. Si Sarah Abad ay ang nakaka-batang kapatid ni Kaye Abad. Naging artista rin si Sarah, sa katunayan ay nakasama pa niya ang mga artista na sina Tom Taus at Antoinette Taus noong sila ay mga bata pa lamang.



Ang magandang si Sarah Abad ang napangasawa ni Jay Contreras at biniyayaan sila ng dalawang anak na sina Kidlat Caio (12y/o) at Isla Euan (8y/o).


Makikita na masaya ang pamilya nila Jay Contreras at mahal na mahal niya ang kanyang asawa. Sa katunayan ay may ibinahagi si Jay Contreras na larawan ng kanyang asawa sa Instagram na may caption na “Still the best view for me”.



Kung pagmamasdan mabuti ang itsura ni Sarah, mapapansin na may kahawig itong artista. Maraming netizens ang nagsabi na kahawig nito ang bidang babae sa Fifty Shades of Grey na si Dakota Johnson.




error: Content is protected !!