Pinsalamatan ng isang guro ang jeepney drayber na nag-tabi ng kanyang mga gamit na naiwan



Sa pagmamadali, minsan ay nakaka-limot tayo ng mga bagay. Kalimitan ay sa sobrang dami ng iniisip ay nakaka-ligtaan na natin ang mga dala-dalang gamit. Pero ang pinaka-mahirap ay kung ikaw ay makalimot ng gamit sa mga pampublikong sasakyan katulad ng mga Jeep, Bus, Tricycle, o Taxi. May mga iba na nasosoli nila kung makitang mayroong pwedeng pagkaalaman ng pagmamay-ari. Pero mayroon ding iba na pinag-iinteresan na ito at inaangkin kung sakaling maka-kita ng mga mamahaling gamit o pera.


Bagamat mahirap ang maka-iwan o makalimot ng gamit sa mga pampublikong sasakyan, isang kwento ng isang guro ang magpapakita sa atin na marami pa rin sa mundo ang mababait. Isang senior high school na titser ng Gates Professional School ang nagbahagi ng kanyang pasasalamat sa isang jeepney drayber. Ang pangalan ng gurong ito ay si Ericko Alegria. Masasabing maswerte pa rin siya dahil sa kabila ng sasakyan na pinag-iwanan niya ay nabalik pa rin sa kanya ang bag na naiwan.



Mula sa Facebook ni Ericko Alegria, humingi muna siya ng tulong sa mga opisyal ng Calumpang, Marikina. Kahit na 10pm na, tinulungan parin nila ang guro upang makita sa CCTV ang itsura ng jeep na nasakyan niya.

Dahil nakita at nakuhanan ng litrato ang nasakyan na Jeep, ito ang naging paraan ni Ericko upang humingi ng tulong sa social media upang matagpuan ang jeep na pinag-iwanan niya ng bag. Sa kabutihang palad ay may tumulong sa kanya at nag-message kung saan matatagpuan ang jeep. Lubos ding nagpasalamat si Ericko sa tumulong sa kanya. Ang jeepney drayber na nasakyan ni Ericko ay si Edgardo Dela Cruz. Tinabi ni Manong Edgardo ang bag na ito kaya naman lubos ang pasasalamat ni Ericko sa kanya.



Ayon sa post ni Ericko Alegria:
“Maraming maraming salamat po sa mga taong tumulong po sakin para maibalik po ang aking mga gamit. nagpapasalamat po ako kay tatay EDGARDO DELA CRUZ, ang driver ng jeep, na nagtago at nagbalik sa aking mga gamit. Napakabait talaga ni tatay, very approacheable, at pinasakay pa kami sa kanyang jeep para makapunta sa kanilang bahay at makuha ang aking mga gamit, at sinamahan din kami para makasakay pauwi. Maraming maraming salamat din po sa PASAHERO na di nagdalawang isip na isurrender ang gamit kay tatay.”




error: Content is protected !!