Pagkasawi Ni Kobe Bryant, Nakita Sa Premonisyon Ng Isang Pinay Clairvoyant



Gulat ang namayani sa maraming Pilipino ngayong umaga, Enero 27 nang ilabas ang balita na nasawi sa isang helicopter crash ang kilalang basketball player na syang idolo ng nakararami sa atin na si Kobe Bryant.

Image: instagram.com/kobebryant



Na-predict ni Rudy Baldwin

Isang Facebook page na may pangalan na Rudy Baldwin ang masipag na nagbibigay ng kanyang mga premonisyon sa pamamagitan ng kanyang mga social media posts sa Facebook. Isa sa mga post nito ay nakatuon sa  isang kilalang celebrity dulot ng mechanical problem mula sa isang sasakyang panghimpapawid sila ay masasawi. Ayon sa eksaktong post nito noong ika-3 ng January 2020


Vision,


“ANG NAKIKITA KO NA MANGYAYARI SA SHOBIZ STAR NATO .ME CELEBRITY DIN.AKO NAKIKITA DALAWA ITO ISA SA BANSAN NATIN.SA PILIPINAS ANG ISA NAMAN AY TAGA IBANG BANSA .MASAWI SILA.DHIL.SA AKSIDENTENG SINAKYAN NILA.NA PANG HIMPAPAWID .MAGKAHIWALAY ITO NA PANGYAYARI AT MAGKAIBANG BANSA .LAHT SA BANSANG MALAYSIA ME NA VISION.AKONG SIKAT NAAMATAY SA BANSANG YAN.”

Kobe at Gianna



Ayon sa balita, isa sina Kobe Bryant at anak na si Gianna sa siyam na kataong biktima ng pagsabog ng helicopter. Wala umano nakaligtas sa trahedya na syang naganap sa Calabasas, California. Papunta umano ang grupo sa Mamba Academy para sa isang game.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng imbestigasyon ang California police ukol sa insidente. Sa kabilang banda ay nagluluksa naman ang buong mundo sa nangyaring trahedya sangkot ang basketball legend na si Kobe.

Tugma

Gimbal din naman ang maraming netizens sa muling pagkakatugma ng mga premonisyon ni Rudy Baldwin. Marami ang nagpahayag ng kanilang pagkabilib at paghanga para sa kakayahan ni Rudy. Ang iba naman ay nagpahayag ng kanilang suporta sa nasabing clairvoyant mula sa pinaunlakan nitong interview sa GMA-7 show, Kapuso Mo, Jessica Soho. Sa kabilang banda ay marami ang nagpasalamat sa kanya dahil naman sa walang sawang pagbabahagi nito ng kanyang mga premonisyon. Anila ay malaking tulong ito para mabigyang awareness ang marami sa atin lalo na at napapadalas ang mga kalamidad sa taon na ito.



Source: Facebook




error: Content is protected !!