Sarap na sarap si muning sa pagkain ng hinog na papaya na nasa puno pa!



Isang larawan ng pusa na kumakain ng hinog na papaya na nasa puno pa nito ang kinatutuwaan ngayon ng mga netizen sa social media! Siya nga ang may sala kung bakit ang mga hinog na papaya ay tila kinain na ng kung sino kahit ito ay nasa puno pa. Sa Facebook page na “Ang Buhay Magsasaka Pag May Tyaga ay May Biyaya” ibinahagi ang nasabing larawan ng cute na cute na pusa noong ika-16 ng Mayo na mayroong kasamang caption na “Natiklo na kung sino ang kumakain ng hinog na papaya.”



Ang mga pusa ay kadalasang kumakain ng mga karne ngunit tila nakiliti ang maraming netizen nang nakakatuwang “kasalanan” ng munting pusa na ito. Umani nga ang larawan na ito ng maraming mga komento mula sa publiko. Narito ang ilan sa mga nakakatuwang komento at reaksyon ng mga netizen sa viral na larawan ng pusa na ito:


“Ikaw pala mingming ang salarin. Inunahan mo yung may ari, mukhang matamis pa naman,” ito ang naging pahayag ni Yolanda Guerrero Formanes sa nasabing larawan.




Ayon naman kay Consuelo Abrencillo:
“Kinakain pala ng pusa ang hinog na papaya. Dagdag sa kaalaman ko ‘yan.”



“Kaya pala (ang) ganda ng kutis ni muning kasi nakain ng papaya. Paborito ko rin ‘yan muning next time dalhan mo ‘ko,” sambit naman ni Jho Na.


“Poor cat! She must be hungry. They usually eat meat than veggies and fruits,” Ito naman ang komento ni Seniorita Dyke.



Sabi naman ni Elaine Reyes, “May mga pusa talaga mahilig ng veggies and fruits. Gaya ni mingming, naamoy niya na masarap.”



“Bihira lang ang pusa na kumain ng prutas, kaya ang haba ng buhay mo muning, bright ka good benefit fruits ‘yan,” pahayag naman ni Jairee Lagua.


Mayroon na itong 4.7 libong reaksyon mula sa mga netizen at 5.7 libo na shares.




error: Content is protected !!