Pinoy traveller ipinangako sa ina na dadalhin niya ito sa bakasyon sa iba’t-ibang panig ng mundo kada taon!



Aminin man natin o hindi, madalas na nawawawalan na tayo ng oras sa ating mga magulang sa ating pagtanda. Marahil ay masyado tayong abala sa trabaho, sa ating mga kasintahan o di kaya naman ay sa ating mga sariling pamilya. Kung kaya naman hindi rin natin dapat kalimutan na maglaan ng oras at panahon para sa ating mga mahal na magulang upang kahit papaano ay hindi sila makaramdam ng kalungkutan at sa halip ay maranasan nilang muli ang pagmamahal at kalinga ng kanilang mga anak.


Gaya na lamang ng kwento ng isang Pilipinong biyahero na ito na dinadala sa isang bakasyon ang kaniyang ina kada taon hindi lamang dito sa Pilipinas ngunit maging sa iba’t-ibang panig pa ng mundo.



Sa “The Poor Traveler” Facebook page online ay nagbahagi ang Pinoy Traveler na ito ng kanilang mga kamangha-manghang karanasan kasama ang kaniyang ina sa pagbiyahe sa maraming magagandang tanawin sa iba’t-ibang panig ng mundo.


Mayroon din itong album na may titulo na “Travels with Nanay”, na mayroong mga larawan ng biyahe nila ng kaniyang ina sa Hong Kong, Japan, Singapore, Macau, at Australia.



Nakapasyal na rin ang mag-ina sa Boracay na kilala rin bilang isa sa pinakadinarayong lugar sa ating bansa. Labis labis ang kaniyang pasasalamat na nabigyan siya ng pagkakataon na makasama ang kaniyang ina sa pagpunta sa mga naggagandahang tanawin na mga ito.


Minsan nga ay napansin pa niya na lumuluha ng palihim ang kaniyang ina habang sila ay nasa loob ng cable car noong bumisita sila sa Hong Kong. Nang tanungin niya kung bakit siya umiiyak, isa lamang ang sinagot ng kaniyang ina, na hindi ito makapaniwala na makakarating siya sa ibang bansa at makakaranas na mapuntahan ang mga tanawin na hindi madalas mapuntahan ng mga ordinaryong tao.




Grade 6 lamang ang natapos ng kaniyang ina dahil sa pito silang magkakapatid at hindi lahat sila ay kayang suportahan at pag-aralin ng kanilang mga magulang. Kinakailangan din na mayroong maiwan na isang taong maglilinis ng kanilang tahanan at gagawa ng mga gawaing bahay. Ito ang naging buhay ng kaniyang ina noon.




error: Content is protected !!