Dating gumanap bilang Darna na si Lorna Tolentino nagsalita na patungkol sa napipisil niyang maging susunod na Darna!



Ikinalungkot ng publiko ang balitang pag-atras ni Liza Soberano sa pagganap niya bilang susunod na Darna. Naging malapit na sa puso ng maraming Pilipino ang kwentong ito ng “Darna” dahil marami itong mga pagkakatulad sa ating mga Pilipino. Tulad na lamang ng likas sa bawat isa sa ating ang tumulong sa mga tao na nangangailangan. Maging ang pagtatanggol sa mga taong walang kasalanan o sa mga naaapi ay isa rin sa mga naging kaugalian nating mga Pilipino.



Marami na rin ang gumanap bilang Darna sa mga pelikula at ilang mga programa sa telebisyon tulad na lamang nina Rosa del Rosario, Liza Moreno, Eva Montes, Gina Pareño, Vilma Santos, Lorna Tolentino, Rio Locsin, Sharon Cuneta, Nanette Medved, Anjanette Abayari, Regine Velasquez, Angel Locsin, at Marian Rivera.


Kung kaya naman naging usap-usapan na rin ng publiko ang pahayag ni Lorna Tolentino patungkol sa kung sinong aktres ang napipisil niyang maging susunod na gaganap bilang Darna. Hindi naman siya nagdalawang isip na magpahayag ng kaniyang pagpabor sa aktres na si Nadine Lustre. Diumano ay napanuod na rin niya ang viral na video ng batang aktres habang sumisigaw ng “Darna!”.


Taong 1977 nang si Lorna Tolentino ay gumanap bilang Darna. Kung saan siya rin ang naging kauna-unahang aktres na nagsuot ng “one-piece swim suit”. Si Lorna Tolentino ay kilala rin bilang Victoria Lorna Perez Aluquin-Fernandez sa tunay na buhay. Siya ay 57 taong gulang na aktres, host, executive producer at balo ng aktor na si Rudy Fernandez.



Siya ay mula sa Concepcion, Tarlac. Kilala rin siya bilang madrasta ng aktor na si Mark Anthony Fernandez, pinsan ng aktres at host na si Amy Perez, at Zsa Zsa Padilla. Kasal siya sa aktor na si Rudy Fernandez mula 1983 hanggang sa namayapa ito nang 2008. Mayroon silang dalawang anak sina Ralph Fernandez at Renz Fernandez




error: Content is protected !!