Maricar Reyes-Poon ibinahagi ang kaniyang naging karanasan nang minsang hinarap niya ang pagkasira ng kaniyang reputasyon!



Marami sa atin ang nakakaranas ng mabibigat na mga pagsubok sa buhay na madalas ay nakapagpapatatag sa atin sa patuloy na paglaban natin sa buhay. Ngunit dumarating din naman sa puntong tila nais na lamang nating sumuko dahil sa mga matinding dagok na ito na ating nararanasan.


Isa na marahil si Maricar Reyes-Poon sa mga taong makapagpapatunay na hindi madali ang pagdaan sa mabigat na pagsubok ng buhay lalo na at ang pinakaiingatang reputasyon niya ngunit maaari ka pa rin namang makabangon kung hindi ka tuluyang susuko. Kilalang modelo at aktres si Maricar noon at talaga namang isa siya sa pinakarespetadong artista hanggang sa dumating ang hindi niya inaasahang pagsubok kung saan nasira ang kaniyang dignidad at reputasyon.




Inamin niyang labis siyang nahirapan sa naging pangyayari na iyon sa kaniyang buhay dahil sa maraming mga tao talaga ang humusga sa kaniya. Kahit alam niya sa kaniyang sarili na maayos at mabuti siyang tao ay dumating pa rin sa punto na mawawala ang kaniyang pagmamahal at pagtitiwala sa kaniyang sarili.


Buti na lamang at natutunan niyang lumapit sa Diyos at magtiwala na ang lahat ng mga bagay na ito ay nangyayari dahil sa kinakailangan niyang matuto ng leksyon sa buhay. Dagdag pa niya, maaaring iba ang ating opinyon sa ating sarili o ang opinyon ng ibang tao sa atin, ngunit hindi magbabago kailanman ang pagtingin ng Diyos sa atin.



Maliban sa pagiging malapit niya sa Diyos ay inayos din niya ang kaniyang sarili at nagpatuloy sa buhay. Sa ngayon ay masaya na siyang namumuhay kasama ang kaniyang mister na si Richard Poon.


Kitang-kita ngayon sa kaniyang mga ngiti at sa kaniyang mga mata ang tunay na kaligayahan at kagalakan sa buhay. Tunay nga na kahit naman hanggang sa ngayon ay mayroon pa ring mga problemang dumarating at darating sa kanilang buhay, mas magaan at mas madali na itong dalhin dahil sa mayroong Diyos na gumagabay sa kanila sa araw-araw.





error: Content is protected !!