Pinakamayamang tao sa Singapore nagsabing hindi matutumbasan ng anumang kayamanan sa mundo ang Panginoong Hesu Kristo sa iyong buhay!



Naniniwala ang pinakamayamang lalaki sa Singapore na ang buhay at ang kayamanan ay walang saysay kung wala kang Kristo sa iyong puso. Ayon kay Philip Ng Chee Tat madalas siyang naghahanap ng mga maling bagay noon. Dagdag pa niya, nagsisimula ang lahat sa pagtanggap na ikaw ay hindi kumpleto at mayroong nawawalang piraso sa iyong buhay.



Si Philip Ng Chee Tat, ang pinakamayamang tao sa Singapore na mayroong net worth na $8.7-billion. Siya ay naniniwala na ang buhay at kayamanan ay walang halaga kung wala kang Hesu Kristo sa iyong puso. Dahil siya ang nawawalang bahagi ng iyong pagkatao.


Narito ang kaniyang naging pahayag:
“I have discovered that all of us are broken, we all have a missing piece. For me, I discovered that the missing piece was God in Jesus Christ.”

Dagdag pa niya maraming beses na siyang naghanap ng mga maling bagay sa kaniyang buhay- mas mabuting buhay, mas mainam na kahulugan ng buhay, mas mabuting siya, at mas mabuting maraming bagay- ngunit hindi naging makabuluhan ang kaniyang buhay hanggang nang makilala niya ang Diyos.


“It sure bêats a lot of money and material things that you may have. It starts with accepting you are broken and there is a missing piece. For me, personally, that missing piece is our Lord Jesus Christ,” Dagdag pa niya.



Si Philip ay naging Chief Executive Officer ng Far East Organization Centre Pte. Ltd, kilala bilang pinakamalaking developer sa Singapore. Naging consultant din siya ng Sino Group para sa mga proyekto nito sa Hongkong at China. Nagtatrabaho din siya sa mga planning at guiding development activities. Isa din siyang Strategic Advisor of Far East Orchard Limited mula Enero 2013.

Mayroong malaking pagkakahawig ang buhay ni Philip sa mga bersikulo sa bibliya. Tulad na lamang ng sinabi ni Hesus na hindi magagawa ninuman ang maglingkod sa dalawang magkaibang Panginoon. Sinabi din ni Hesus sa libro ng Mateo na hindi na kailangan pang hanapin ng mga tao ang kayamanan ng mundo dahil mas mainam na mag-impok ng iyong kayamanan sa langit- ang kayamanan ng Espiritu at ng puso.




error: Content is protected !!