Isang amo ang nagbahagi ng larawan ng kaniyang aso na nakasuot ng pustiso kinagiliwan ngayon ng marami!



Naranasan mo na ba ang mapatulala sa ka-cutean ng isang aso at sa panggigigil mo ay gusto mo na lang siyang yakapin at pisil-pisilin? Marami sa atin ang nagnanais na magkaroon at mag-alaga ng mga aso dahil ang pag-aaruga sa mga ito ay para na ring pag-aalaga ng sarili nating mga anak.


Tulad ng mga maliliit na bata, sadyang nakakatuwa rin silang alagaan ngunit kadalasan din nga ay nasosobrahan din sila sa kakulitan at nilalaro ang mga bagay na hindi nila dapat paglaruan. Tulad na lamang ng isang aso na ito na “Shih Tzu”, “Poodle”, at “Chihuahua” mix na naging viral ang larawan kung saan nakasuot pa siya ng pustiso!



Siya ay nakilala bilang si Maggie na nagpatawa sa maraming mga netizen. Ang kaniyang amo ay isang Twitter user na nakilala bilang si Eunice (@UniFiEd). Sa tuwing magtatrabaho na siya ay iniiwan niya ang alagang aso sa kaniyang ama na ligayang-ligaya rin naman sa pag-aalaga sa bibong aso.


Ngunit si Maggie ay talaga namang napakakulit at napakalikot. Minsan nga ay mayroon siyang mga bagay na hindi naman dapat niya nilalaro ngunit pinaglalaruan pa din niya. Tulad na lamang ng pustiso ng tatay ni Eunice na natagpuan ni Maggie at talaga namang pinaglaruan. Pagkukwento ni Maggie, tanghali noon at nakatulog ang kaniyang ama. Sa halip na ilagay sa banyo ay binalot na lamang niya ito sa tissue at itinabi sa dulo ng kanilang upuan.


Nagising ang kaniyang ama at hindi na nga nito makita ang kaniyang pustiso, sa paghihinalang baka napaglaruan ito ng alaga ay hinanap ng tatay ni Eunice si Maggie at nagulat nga siya ng makitang tila tao na nakasuot ng pustiso ang makulit na aso.


Dali-dali naman itong kinuhanan ng larawan ng kaniyang ama at ipinakita agad kay Eunice na talaga namang halos umiiyak na kakatawa. Marami mang mga netizens ang natuwa at naiyak sa kagalakan dahil sa larawang nagviral ni Maggie ay may iilan pa din naman na nag-aalala sa kondisyon ng aso na pinabulaan ni Eunice na hindi naman nasaktan o napahamak dahil sa pustiso. Bagamat maayos pa ang pustiso ng ama ay bibili na rin ito ng bago dahil sa matagal na rin niya itong plano.





error: Content is protected !!