Ang kwento ni Heaven Paralejo sa relasyon niya kay Jimuel Pacquiao sa programang ‘Magandang Buhay’



Nakilala si Heaven Paralejo sa programang ‘Pinoy Big Brother: Lucky 7’ bilang isa sa mga housemates. Binansagan din siya sa programang ito na ‘The Mommy’s Angel of Makati’. Napag-alaman din na hiwalay ang kanyang mga magulang. Ilan din sa kilala niyang kamag-anak ay ang kanyang tita na si Rica Paralejo na isa ring sikat na artista dati.



Naging usap-usapan ngayon ang relasyon niya sa panganay na anak ng ‘Pambansang Kamao’ na si Jimuel Pacquiao. Para mas malaman ang naging detalye ng kanilang kwento, ito ang naging salaysay niya sa ‘lovestory’ nilang dalawa sa programang ‘Magandang Buhay’.


Nagumpisang magtanong si Melai tungkol sa relasyon nila ni Jimuel Pacquiao, kung paano ba nagsimula ito.

Ito ang sinabi ni Heaven:
“So 2017, kakalabas ko lang po ng PBB noon. And then, minsan lang po kami mag-shopping, kuripot po kasi ako, so parang biglaan lang, ‘Mom, shop tayo, wala na talaga akong damit.’ So kaming dalawa ni Mommy, kuwentuhan. Ta’s may group of guys, nakatingin sila,” pagbabahagi niya.”


Sinabi rin niya na hindi siya sanay na maraming tumitingin sa kanya at tila ba pinaguusapan siya.
“Parang nakakatakot,” idinagdag pa ni Heaven.



Dito napag-alaman ni Heaven na ang lumapit pala sa kanya ay ang pamilyang Pacquiao.
“Paglabas namin, nando’n pa rin sila, nakatingin,” pagpapatuloy niya. “Lumapit na po sila saka nagpa-picture na. Tapos nag-message po sila (sa Instagram), noon ko na-realize na, ‘Ah, Pacquiao Family pala.”

Natuwa din ang mga host ng ‘Magandang Buhay’ sa pangyayaring sinabi ni Heaven tungkol sa pangalawang pagkikita nila.
“After a year, same month, same place, nakita ko po sila. This time, kasama na pati mom niya, siblings niya. Tapos nagpa-picture po ulit sila,” kuwento pa ni Heaven.

Nagkataon naman na bago magkita sila ni Jimuel, nanalangin si Heaven na bigyan siya ng isang tao na mabuti at may takot sa Diyos.
“Tapos ‘yon, dumating na po si Jim,” aniya. Naisip daw niya na baka ito na ang sagot sa hinihingi niya.” sabi ni Heaven.



Tinanong din ng Host ng ‘Magandang Buhay’ si Heaven kung boto ba ang kanyang pamilya kay Jimmuel. Ito ang naging tugon niya:
“Pinaghirapan ni Jim, kasi first time po. I mean, ewan ko, talagang niligawan niya ‘yong both families ko, umakyat po talaga siya ng ligaw do’n sa both parents ko,”

Isinalay-say din niya ang panliligaw ni Jimuel sa kanya pati na rin ang kanyang dalawang hiwalay na magulang.
“Isipin n’yo ‘yon dalawang pamilya po ‘yon, so talagang pinaghirapan niya ‘yon. Nagbigay siya ng time dito sa mom side, nagbigay siya ng time dito sa dad side,” nakangiting wika ng young actress.

Mababakas sa mukha ni Heaven na masaya siya sa kanyang buhay kasama ang kasintahan na si Jimuel Pacquiao.




error: Content is protected !!