“Medyas na kulambo”, patok na patok ngayon sa mga taong hindi sanay matulog ng walang kulambo sa paa!

Isa ka ba sa mga tao na hindi sanay makatulog ng walang kulambo na nakabalot sa kanilang mga paa? Hindi na lingid sa kaalaman ng maraming Pilipino ang kulambo, dahil sa ating bansa ay madalas na itong gamitin upang iwas lamok o anumang insekto lalo na kung gabi. Ang mga kulambo na ito ay maaaring gawa sa cotton, polyethylene, polyester, polypropylene, o kaya naman ay nylon.

Ngunit kung karamihan sa atin ay ginagamit ang ating mga kulambo bilang proteksyon sa mga lamok at insekto, mayroon din namang ilang mga tao na may kakaibang gawain patungkol sa mga kulambo na ito. Sa katunayan ay mayroon talagang mga tao na hindi kayang makatulog kung walang kulambo na nakapalupot sa kanilang mga paa.

Kadalasan marami pa nga ang mga taong hindi lang tuwing gabi ito ginagamit dahil sa dinadala talaga nito kahit saan man sila magpunta. Kung kaya naman magiging napakalaking tulong talaga at ginhawa para sa maraming mga tao ang pagkakaroon ng kulambo na nakadisenyo para sa paa ng mga taong hindi makatulog ng wala ang mga ito. Tiyak na hindi na sila mahihirapan pang magdala ng malalaking mga kulambo kung sila ay babyahe o pupunta sa malayong lugar.

Kamakailan nga lamang ay kinatuwa ng marami ang tila isang posibleng solusyon na ibinahagi ng “I’m Fine” sa Facebook page nito. Isang “medyas na kulambo” ang talaga namang kinagiliwan ng maraming mga netizen na tila nasasabik na nga sa nasabing ideya kung sakaling magkakaroon nga nito sa merkado. Ang nasabing medyas na kulambo ay sinasabing nasa 95 piso ang halaga kada isang pares.

Marami din naman ang nagkomento patungkol sa kanilang mga mahal sa buhay na nahihilig din sa ganitong klase ng gawain. Talaga namang nakakarelaks at nakakapagpakalma sa kanila ang pagsusuot ng kulambo sa kanilang mga paa. Sa kabila ng kanilang pagod at pagiging abala sa buong araw na trabaho ay nakakatuwa pa rin na sa mga simpleng bagay na ito ay napapawi ang kanilang mga pagod sa buong maghapon.



Reply

error: Content is protected !!