Mukha man siyang pulubi, may dalang sako, at madungis siya ay nakabili ng ‘Smartphone’ sa isang mall



“Don’t judge the book by its cover” ito ang mga salitang magsasabi na huwag tayong manghusga sa panlabas na anyo. Sa isang business, kalimitan ay nanghuhusga ang ilang tao base sa panlabas na anyo ng mga kostumer. Pero ang katotohanan, lahat ng tao ay may kakayahan na bumili basta may hawak na salapi.


Isang halimbawa dito ay ang isang lalaki na mukhang pulubi, na may dalang sako, madumi, naka-yapak pero siya ay bumili ng cellphone sa isang tindahan sa mall. Ang pangyayaring ito ay naganap noong ika-22 ng Mayo taong 2019 sa isang mall sa bansang Thailand. Ang nagtitinda sa isang mall na si Pimpim Cooper ang nagbahagi ng kwentong ito patungkol sa isang mukhang pulubi na bumili sa kanya ng ‘Smartphone’. Ayon pa sa kanya ay ‘cash’ binayaran ang binili at hindi pa nakuhang tumawad.




Hindi man nakilala ang lalaking ito, pero mapapansin sa unang tingin na aakalain mong wala talaga siyang pambili. Itinuro niya ang gusto niyang phone model at sinabi niya na iyon ang gusto niyang bilhin. Ikinagulat din ng nagtitinda na hindi man lang daw tumawad ang lalaki. Kaya noong magbabayad na, inilabas na ng lalaki ang kanyang maraming papel na pera.

Isang kabutihan din ang ipinakita ng nagtitinda sa kanyang kostumer, hindi niya kasi hinusgahan ang itsura ng mamimili. Bagkus, inisip niya na walang diskriminasyon sa pagtitinda. Ayon pa kay Cooper, humingi pa ng paumanhin ang mukhang pulubi dahil tig-20baht ang kanyang ipinambayad. Kumbaga matagal na bilangan ang gagawin ng tindero. Ikinatuwa ng nagtitinda ang paghingi ng paumanhin ng mukhang pulubi at naisip niyang mabuting tao ito.




Maraming beses na tinataboy ang mukhang pulubi ng mga security guards. Pero ipinagtatanggol ito ni Cooper sa pagsabi na siya ay bumibili sa kanyang tindahan. Habang binibilang ni Cooper ang perang pambayad, ang mukhang pulubi na lalaki ay matiyagang nakaupo at nagaantay.




Isang magandang aral ang maibabahagi ng kwentong ito ni Cooper na lahat ng tao ay may karapatan na bumili kahit pa mukha itong pulubi. Marahil ay matiyagang pinag-ipunan ng lalaking ito ang pera upang mabili ang gustong cellphone.





error: Content is protected !!